top of page
Search
BULGAR

VILMA, NORA, SHARON AT MARICEL, PARAMIHAN NG YT SUBSCRIBERS NA ANG LABANAN

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 28, 2021




Nakakaaliw naman ang mga sikat na artista na sina Nora Aunor, Sharon Cuneta, Maricel Soriano at Vilma Santos. Sila ang mga Reyna ng Philippine Movies nu’ng kanilang henerasyon.


Aba, pinasok na rin nila ang pagba-vlog sa YouTube ngayong panahon ng pandemya.


Palibhasa, walang gaanong pinagkakaabalahan ang mga reynang ito, gumawa na rin sila ng kani-kanilang YT channel tulad ng mga millennial.


Una nang nag-YT si Megastar Sharon nu’ng 2018 pa, though ang mga contents ay tungkol lahat sa kanyang sarili.


Una namang nag-post ang Superstar na si Ate Guy sa kanyang YT channel nu’ng October last year. Wala pa ring real content kung ano ang ilalagay ni Ate Guy sa kanyang YT.


Si Diamond Star Maricel ay pinasok na rin ang YT. Wala pang ibinabahaging content si Marya ay naka-27,000 subscribers na agad siya.


Unang nag-post ng kanyang content si Marya nu’ng July 2021. Sa ngayon ay nakaka-limang post na ang Taray Queen.


Naengganyo siyang gumawa ng sariling YT channel dahil sa pamangking si Meryll Soriano.


Last Sept. 26, gumawa na rin ng sariling YT ang Star for All Seasons. Nasilip namin ang first vlog ni Congresswoman Vilma Santos-Recto.


My Trophy Collection Reveal plus Movie Roles Trivia ang first vlog ni Ate Vi. Kaya raw niya pinasok na rin ang vlogging ay dahil naaliw siya nu’ng i-guest ng anak na si Luis Manzano sa vlog nito.


Hmmm, bakbakan na ba in terms of vlogging ang apat na Reyna ng Philippine Movies? Nagtatanong lang po.


Anyway, sa first vlog ni Ate Vi, may 109K views na siya at 13K agad ang mga nag-like at 55.5 K subscribers.


So, ang labanan ngayon ng apat na mahuhusay na aktres ay pataasan ng subscribers. Dito na malalaman kung sino talaga kina Nora, Vilma, Sharon at Marya ang pinakasikat sa kanilang apat, hahaha!


Tiyak maglalabasan na naman diyan ang kanilang mga tagahanga.


Wish lang namin na walang basagan ng trip ang mga faneys.

0 comments

תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page