ni Julie Bonifacio @Winner | August 7, 2024
Excited si Baron Geisler sa mga projects na gagawin niya for the rest of 2024 till next year.
May dalawang “big” movies si Baron at bagong Kapamilya action-drama series na kukunan sa iba’t ibang foreign countries.
Una na d’yan ang isinu-shoot na niya ngayon na pelikula, ang Danggo, kasama sina Cedrick Juan, Tirso Cruz III at Bianca Umali sa direksiyon ni Catherine “CC” Camarillo.
Then, ang Kapamilya action-drama series with Richard Gutierrez, Daniel Padilla, Maris Racal, Anthony Jennings, Kaila Estrada at Ian Veneracion.
Looking forward si Baron sa new project niya with ABS-CBN dahil tantiya niya ay tatakbo ng nine months ang programa. Maaaring umabot ang serye hanggang 2025.
Pagkatapos ng matagumpay na Doll House ay may bagong Netflix movie ulit si Baron titled The Delivery Rider.
Baka late November or early December ang streaming ng The Delivery Rider sa Netflix.
Ayon kay Baron, noong isinu-shooting niya ang Netflix film na The Delivery Rider ay pinayuhan siya ng direktor na umiwas muna sa crazy characters.
“Sabi ni Direk Lester [Pimentel Ong] ‘Baka naapektuhan na ang psyche mo d’yan, ‘yung mental health mo.’ So ‘yun, naisingit ako sa project na ‘to. Ang karakter ko rito, I’m a high functioning autistic person,” pahayag ni Baron nu’ng mainterbyu namin sa birthday celebration ni Cannes Best Director Brillante Mendoza.
And ‘yung isa pa na nabanggit ni Baron sa amin ay ang historical film tungkol sa buhay ng bayaning si Juan Luna.
“Ipinapasulat na ni Arnold (Vegafria, his manager) ‘yung Juan Luna kay Sir Roy Iglesias. Nag-usap na kami sa phone. So inaasikaso na rin ‘yan ni Boss Arnold, isa s’ya sa mga producers,” sambit ni Baron.
Kabilang sa magpo-produce ng life story ni Juan Luna ang mga gumawa ng Quezon’s Game noong 2018.
“So, hahatakin niya ‘yung mga taong ‘yun,” sey ni Baron.
Hindi raw isasama sa pelikula ang nangyaring krimen sa buhay ni Juan Luna.
Aniya, “Ganito ‘yun, we’re not showcasing that part. Of course, may quirks but we’ll showcase his brilliance. How he started, how he became the first ilustrado.”
Ang Juan Luna ang kauna-unahang pagganap ni Baron bilang national hero sa pelikula.
“Lagi akong Español dati. Like sa El Presidente (2012), saka sa Baler (2008). I’m praying na matuloy.”
Nasa pre-production na raw ang team na gagawa ng biopic ni Juan Luna at umoo na raw sa project ang multi-awarded cinematographer ng GomBurZa na si Carlo Mendoza.
Sa dami ng gagawing projects ni Baron, hoping siya na makabili ulit ng bahay sa Maynila.
Sa Cebu kasi naka-based si Baron with his wife and kid na malaki ang pagkakahawig sa anak niya kay Nadia Montenegro na si Sofia.
Hindi naman lingid sa showbiz ang nangyari sa buhay nina Baron at ng kanyang pamilya noon.
Gusto kasi ni Baron na kasama na rin ang kanyang bagong pamilya sa Manila kapag nagwo-work siya. Hindi ‘yung matagal bago siya makabalik ng Cebu para makita ang kanyang anak dahil sa schedule niya sa kanyang mga projects.
And then later on, para makasama rin siguro ni Baron Geisler si Sofia at maka-bonding ng anak niya kay Jamie.
Nagsalita na ang Oympics gold medalist na si Carlos Yulo bilang kontra sa mga sinabi ng kanyang ina na si Angelica sa mga interbyu.
Isa-isang kinlaro ni Carlos ang mga ibinatong “isyu” ng ina sa kanya pati na sa girlfriend nito na si Chloe San Jose.
Panimula ni Carlos, “May mga gusto lang po akong i-clarify sa mga interviews at sagot ng nanay ko po sa mga interviews n’ya po.
“Unang-una po, ‘yung P70K na incentives na sinasabi n’ya na World Championships 2021 po, unang-una po, 2022 po ‘yun at hindi lang P70K ‘yung na-received ko po du’n. Alam ko, six digits po ‘yun. Uh, dahil dalawang medalya po ang nakuha ko du’n.
“After nu’n, mga bandang December, ‘di niya sinasabi sa ‘kin na na-received na pala n’ya ‘yung incentives from World Championships. Hindi ko pa po malalaman na na-received ko na ang incentives ko kung ‘di ko pa hinanap. Never ko na po na-received ‘yung incentive na ‘yun at never ko na rin po hiningi sa kanila.”
Ibinigay na raw ni Carlos ‘yung incentives niya sa kanyang ina at ang gusto lang daw niyang malaman ay kung saan napunta ang incentives na ‘yun.
Wala raw sa laki o liit ng halaga ang napunta sa kanyang ina, kundi sa pagtago at paggalaw nito nang walang consent mula kay Carlos.
Nag-react din si Carlos sa bintang na red flag ang girlfriend niyang si Chloe. Isang Australyana ang girlfriend ni Carlos.
“Hinusgahan n’ya agad si Chloe sa pananamit at sa pag-akto n’ya, magkaiba po kami ng kinalakihan. Unang-una, lumaki si Chloe sa Australia at ‘yun ang kinagisnan n’yang culture.
Ibang-iba po talaga sa Pilipinas kung paano tayo gumalaw, magsalita at manamit,” diin pa ni Carlos.
Hindi rin daw mauubos si Carlos dahil sa girlfriend niya na gaya ng sabi ng ina niyang si Angelica. May sarili raw income si Chloe San Jose kaya keri nitong bumili ng mga gamit.
Hoping na magkaayos na sina Carlos Yulo at ang kanyang ina.
Comments