top of page
Search
BULGAR

Para maiwasan ang bird flu — DA… Poultry products i-ban sa Western Visayas

ni Jasmin Joy Evangelista | March 13, 2022



Hinimok ng Department of Agriculture (DA) sa Western Visayas sa mga local governments sa rehiyon na pansamantalang i-ban ang pagpasok ng poultry products mula sa ibang lugar upang maiwasan ang pagkalat ng bird flu.


Ayon kay DA-Western Visayas Director Remelyn Recoter, tanging ang probinsiya ng Negros Occidental ang nag-release ng kautusan na i-ban ang poultry products mula sa labas ng lalawigan.


“Like the ASF (African swine fever), we are praying, with the efforts also of the local government units in terms of surveillance to control the entry of the (bird flu) viruses in Western Visayas,” ani Recoter sa isang radio interview.


Samantala, ang temporary ban sa pork products na papasok sa rehiyon ay ipinagbabawal pa rin dahil sa ASF outbreak sa ibang parte ng bansa.


As of March 11, ang Western Visayas ay nananatiling ASF free.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page