ni Jasmin Joy Evangelista | February 7, 2022
Nag-resign na bilang MMDA chair si Benhur Abalos upang magtrabaho bilang campaign manager ni presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
"I would like to announce that I am resigning as MMDA chairman," ani Abalos sa isang press conference.
Si Abalos, na nag-serve bilang campaign manager ni Marcos noong 2016, ay sinabing ipinasa ang kanyang resignation letter kay Pangulong Duterte.
"Kaibigan ko po si BBM. Napakabait na tao. Lahat po tayo may kanya-kanyang pananaw sa lahat ng bagay...Maging sa presidente, ok lang yan. It's just an exercise. But at the end of every electoral exercise, we must unite as a country and as a people. Ako po ay BBM dahil naniniwala ako sa kanya, mabait po siya," aniya sa mga reporter.
"This will be my last press conference," sabi pa ni Abalos kung saan nagbigay na rin umano siya ng instructions sa MMDA general manager hinggil sa continuing programs para masugpo ang COVID-19.
Sa Martes, Pebrero 8, ang opisyal na simula ng campaign period para sa mga kakandidato sa 2022 elections.
Comentários