top of page
Search

Para mag-iwan ng tatak bilang producer… SYLVIA, MAY TAGOS SA PUSO ANG MGA GUSTONG GAWING PELIKULA

BULGAR

ni Rohn Romulo @Run Wild | Feb. 13, 2025



Photo: Sylvia Sanches - IG


Napanood na ngayon nationwide ang pampamilya at heartwarming na animated film na Buffalo Kids (BK) hatid ng Nathan Studios.


Happy ang producer at aktres na si Sylvia Sanchez kasama ang kanyang mister na si Papa Art Atayde, bunsong si Xavi at ibang kapamilya na nagustuhan ng mga nanood ang naturang pelikula na hindi lang pambata dahil makaka-relate rin ang mga adults.


Sey naman ni Ibyang kung bakit ganito ang latest offering nila, “Gusto namin sa Nathan Studios, iba’t ibang genre, ‘di puro action or drama lang. Gusto namin, ‘pag ipinalabas, meron talagang tagos sa puso, doon nila maaalala ang Nathan sa ganu’ng klaseng pelikula, tulad nitong Buffalo Kids.


“Makaka-relate ang lahat tungkol sa pagtulong at hindi panlalait at pagbibigay ng chance sa lahat. Nasa wheelchair man o wala, special or normal, kailangang bigyan ng chance lahat.”

Pagbabalita pa niya, “Ang next movie namin na ire-release ay tungkol sa magulang, ito ‘yung Picnic ng South Korea na kuwento ng mga seniors, lola’t lolo. Ita-Tagalize namin ‘yung movie. Ang magda-dub ay sina Ate Ces Quesada, Tita Nova Villa, Kuya Bodjie Pascua, Freddie Webb atbp..


“Gusto sana naming ipalabas sa Mother’s Day, pero magiging abala ang mga tao sa election, kaya baka sa April, pipili lang kami ng magandang playdate.


“Meron din kaming nakuha, isa pang South Korean movie na tungkol naman sa monk, ito ‘yung About Family na bida si Lee Seung-gi, comedy s’ya, pero may tagos din sa puso.”


Ibinalita rin ni Sylvia na naghahanda na sila dahil susubukan nila uling magpasok ng entry sa 2025 MMFF after ng Topakk na pinagbidahan nina Arjo Atayde at Julia Montes at nakasungkit ng tatlong tropeo — Fernando Poe Jr. Memorial Award for Excellence, Jury Prize Award at Best Float sa 50th MMFF.


Samantala, sa hindi pa nakakapanood, magkakaroon ng special run ang Topakk sa direksiyon ni Richard Somes sa UPFI Film Center Videotheque simula sa Thursday, Feb. 20 at 11 AM & 5 PM.


Ang iba pang dates and time ay: Feb. 21 (Fri) at 2 PM; Feb. 26 (Wed) at 2 PM; Feb. 27 (Thurs) at 2 PM, at sa March 1 (Sat) at 2 PM. 


Anyway, dapat sana, this month until March na ang shooting ng next movie na ipo-produce ng Nathan Studios, kung saan dadayo sila sa isang magandang lugar sa Cagayan de Oro, pero naurong ito.


Aniya, “Magro-roll kami ngayong May or June, pang-filmfest ‘yung movie at sana mapili at makasama.”


Bongga naman ang casting ng movie na tungkol sa ‘special’ love story, na balitang pumayag ang isang aktor-pulitiko kaya muli silang magkakasama ng premyadong aktres na kasama ni Sylvia Sanchez, dahil ang dalawang aktres ang gaganap na mga ina ng dalawang bida.


Kaya nakaka-excite ang mga susunod na pasabog na pelikula ng Nathan Studios, Inc. sa taong ito. 

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page