ni Lolet Abania | August 13, 2021
Pinayagan na ng COVID-19 task force ang mga indibidwal na nasa 65-anyos at pataas na lumabas ng tirahan sa October upang personal na maghain ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) para sa 2022 local at national elections.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong Biyernes, ang mga ito ay ikokonsiderang authorized persons outside residence (APOR) sa panahon ng pag-file nila ng COC, na magsisimula ng Oktubre 1 hanggang 8, 2021.
Batay sa desisyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF), sinabi ni Roque, “This is regardless of community quarantine classification and vaccination status.” Ang paghahain ng COC ay maaaring gawin sa national office at mga field offices ng Commission on Elections.
Комментарии