top of page
Search
BULGAR

Para iwas-pinsala... Alternatibong pag-iingay sa kapaskuhan – DOH

ni Lolet Abania | December 6, 2021



Umapela ang Department of Health (DOH) sa publiko na kung maaari ay gumamit na lamang ng mga alternatibo paraan sa halip na mga firecrackers o paputok sa pagdiriwang ng holiday season.


Bilang bahagi ng kampanya ng ahensiya para sa ligtas na kapaskuhan, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na puwedeng gumamit ng mga bagay na makagagawa naman ng ingay o manood na lamang ng community fireworks display.


“Para maiwasan natin ‘yung mga injuries for this holiday season at mahirap din po magkaroon tayo ng mga ganitong kaso ngayon, lalong-lalo na kailangan natin ang ating existing resources for our COVID response,” ani Vergeire sa media briefing ngayong Lunes.


Hinimok din ng DOH ang publiko na patuloy na magsuot ng face mask at tiyakin na sapat ang makukuhang air ventilation habang nagse-celebrate ng Pasko at Bagong Taon.


Nanawagan din ang ahensiya sa lahat na himukin ang kanilang mga pamilya at mga kaibigan na nasa edad 12 at pataas na magpabakuna na kontra-COVID-19.


Pinayuhan naman ni Vergeire ang mga Pilipino na kumain at uminom ng mga alcoholic beverages ng katamtaman lamang.


“So sana po lahat ng ating mga kababayan makisama, tumulong sa atin, para magkaroon tayong lahat ng Ligtas Christmas sa Health Pilipinas,” sabi pa ni Vergeire.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page