top of page
Search
BULGAR

Para iwas-breakup at sumbatan sa huli… Tips para sa bagong magkarelasyon

ni Mharose Almirañez | July 7, 2022



“Sa umpisa lang ‘yan masaya,” ‘yan ang bukambibig ng karamihan sa tuwing nakakakita sila ng bagong magkarelasyon.


Pero ano nga ba ang sikreto para mapatibay ang relasyon? Paano ito mapapatagal sa kabila ng mga paparating na pagsubok? Anu-ano ang mga dapat iwasan at dapat gawin upang hindi mauwi sa hiwalayan at mapasabing, “Sa umpisa lang talaga masaya”?


Sabi nga ni Jodi Sta. Maria, “Papunta pa lang tayo sa exciting part.” Ito ‘yung stage kung saan kilig na kilig pa kayo sa isa’t isa, pero kung hindi mame-maintain ang consistency ay maaari itong mauwi sa exhausting part, hanggang tuluyan na ngang humantong sa exciting part. Ayaw mo naman sigurong mangyari ‘yan sa relasyon n’yo, ‘di ba, beshie?


Bilang concerned citizen, narito ang ilang dapat gawin ng mga bagong magkakarelasyon:


1. GIVE AND TAKE. Hindi ‘yung tanggap ka lang nang tanggap mula sa partner mo. Dapat ay marunong ka ring magbigay. Halimbawa, mag-share ka rin sa bill tuwing kumakain kayo sa labas, i-treat mo rin siya sa sine o bigyan mo rin siya ng gift. Hindi ‘yung siya lang ang gumagastos sa relasyon n’yo. Hindi lamang ito tungkol sa pera, pero dapat mong maunawaan na kapag pumasok ka sa relasyon at kung gusto mo itong tumagal ay hindi na lang ito tungkol sa sarili mo, kundi para na ito sa “inyo”. Ang mga ginagawa mo ngayon para sa kanya ay investment para sa kinabukasan n’yong dalawa. Hindi sa lahat ng oras ay makakapagbigay ang isa sa relasyon kaya dapat give and take, para na rin maiwasan ang sumbatan o bilangan sa huli.


2. COMMUNICATION. Dapat ay maging very vocal and super expressive ka sa feelings mo towards him/her. Mainam ‘yung nagpapalitan kayo ng ideas and views pagdating sa napakaraming bagay. Pag-usapan at ayusin ang tampuhan at maging open kayo sa isa’t isa. Hindi man kayo palaging magka-chat, text o call, hangga’t maaari ay ‘wag n’yong palilipasin ang araw nang hindi nasasabi sa partner mo ‘yung nangyari o mangyayari sa ‘yong maghapon. Hindi ka man makapag-update from time to time, at least ay alam niya kung nasaan ka, sino ang mga kasama mo at kung ano ang ginagawa mo upang maiwasan niya ang pag-o-overthink.


3. BUCKET LIST. Hindi man natin ma-predict ang mangyayari sa future, mainam kung mayroon kayong goals na gustong i-accomplish kada linggo, buwan o taon. Mahirap ‘yung spontaneous, go with the flow at bahala na kung saan dalhin ng mga paa ang walang direksyon n’yong relasyon. Mas okey ‘yung mayroon kayong nakaplano na lakad for the whole month. Hindi naman required na sundin as is ‘yung nasa schedule, kumbaga, ‘yun ay magiging guide lamang. Maaari kayong magsimula sa malalapit na fast food, restaurant, coffee shop, museum, park, at saka n’yo isunod ang out of town trips.


4. MATURE MINDSET. Normal lang siguro na maging clingy o pabebe sa partner mo, pero siyempre, hindi na kayo mga bata kaya dapat ay napag-uusapan n’yo na rin ang future plans. Halimbawa, target ba niyang ma-promote sa trabaho o may plano ba siyang mag-resign o mag-abroad? If ever, ano’ng business ang gusto niya? How do you see yourself five years from now? Kung ang bawat sagot niya ay palagi kang kasama sa mga plano niya, (itabi mo beshie, ako na!) aba, siyempre, he/she’s for keeps na talaga. Masarap makipagrelasyon sa taong alam ang gustong mangyari sa buhay. ‘Yung hindi lang puro pagpapa-cute sa social media ang alam. Kapag pumasok kayo sa relasyon, dapat ay you guys were dating to marry. Sapagkat kung magrerelasyon lang kayo para may matawag na dyowa, naku, salamat na lang sa lahat!


5. RESPECT. Hindi porke dyowa mo na siya ay pipilitin mo na siyang gawin o pag-usapan ang mga bagay na hindi pa siya ready. Irespeto mo ang desisyon at privacy niya. Kung sakaling magkaroon kayo ng tampuhan, ‘wag mong iha-hack ang social media accounts niya para lang makahanap ng sagot sa ipinag-o-overthink mo. Huwag mo siyang pagbubuhatan ng kamay o magbibitaw ng masasakit na salitang puwedeng makadagdag sa trauma niya before. Ikaw ang pinili niya ngayon dahil mahal ka niya. Respetuhin mo siya’t rerespetuhin ka rin niya nang sobra.


Additional tips na rin upang magtagal ang relasyon ay araw-araw mo siyang piliin. Iparamdam mo kung gaano siya kaganda/kaguwapo at palagi mo siyang iko-compliment. Iparamdam mo kung gaano mo siya kamahal at kung gaano kayo kasuwerte sa isa’t isa. Huwag n’yo ring palilipasin ang araw na hindi naaayos ang problema. Maging consistent sa pagpapakilig at huwag maging kampante porke kayo na. Huwag na huwag n’yo rin hahayaang maipon nang maipon ang maliliit na tampuhan dahil kapag naipon ‘yan at sumabog—boom!


Tandaang pagsubok ang nagpapatibay sa relasyon kaya sana’y huwag kayong sumuko agad at magkasama n’yo pa rin itong malagpasan hanggang sa huli. So, congrats, beshie! Best wishes!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page