top of page
Search
BULGAR

Para gayahin daw ng iba… SAM, PABOR NA IPAALAM SA LAHAT ANG PAGTULONG

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | February 15, 2023




Tumanatanaw ng utang na loob si Sam Verzosa kay Willie Revillame dahil marami raw itong naituro sa kanya pagdating sa hosting na nagagamit na ngayon ng Tutok to Win Partylist representative sa bago niyang programang Dear SV sa CNN Philippines simula sa Pebrero 18, 7:30 PM.


Walang alam pagdating sa hosting si Sam dahil mahiyain siya at pang-behind the camera lang ang galawan niya.


“Actually, si Kuya Wil po ang nagturo sa akin kung paano mag-host kasi dati, nanonood lang ako sa kanya (sa gilid), bigla niya akong tinawag kasi pandemic noon, wala siyang kasama (sa stage). Sabi niya, 'Sam, halika nga rito, samahan mo akong mag-host. Itinabi niya ako, ginawa niya akong sidekick sa gilid habang tumatawag siya (sa mga contestants). Sabi niya 'Magsalita ka!’


“So, nagsasalita ako, ‘Hindi ganyan (turo ni Willie). Lagyan mo pa ng energy!’ So, ang dating, he trained me live sa show. 'Lagyan mo ng energy, lagyan mo ng ganito.' So, ang dami niyang naitulong sa akin.


“Iba pa ‘yung mga advise niya about life, about sa mga pagtulong, sa pagbibigay ng saya, pagbibigay ng pag-asa. Pati sa pananalita ko, naalala ko, sabi niya, ‘Ganito magsalita, ganito mag-handle ng negosyo, ganito mag-handle ng tao.' Parang pangalawang tatay ko na po si

Kuya Wil,” pagbabahagi ni Sam sa mga nagawa ni Willie sa buhay niya.


Dagdag pa nito, “Sa totoo lang, si Kuya Wil, ang laki ng utang na loob ko sa kanya. Isinama niya ako sa mga pagtulong niya sa programa niya, 'yung Wowowin Tutok to Win, iyon po ‘yung programa noong pandemya na binuo ni Kuya Wil na isinama niya ako kung saan tumatawag kami sa mga kababayan natin, inaalam natin ang sitwasyon nila at binibigyan natin sila ng financial assistance."


Ang binanggit niyang namamahagi sila ng financial assistance ay 'yung segment sa Wowowin na kapag tinawagan ni Willie ay bibigyan niya ng pera na inabot nang ilang taon noong nasa GMA-7 pa at sa Facebook Live.


“Kaya po siguro nahalal din tayo sa Tutok to Win partylist kasi marami po ang natulungan ng programa at natuwa sa ginagawa natin. So, malaking-malaki po ang utang na loob ko kay Kuya Wil, nandito ako dahil sa kanya."


Aware si Sam sa mga nangyayari kay Willie, pero sabi niya, lagi nitong nalalampasan ang lahat ng pinagdaraanan. At sa edad na 60 plus ay hindi pa rin daw tumitigil sa pagtulong mula sa sariling bulsa ang TV host.


Pabor si Sam na dapat ipakita rin sa tao ang mga ginagawang pagtulong para ma-inspire rin ang iba tulad ng bagong programa niyang Dear SV na ipapalabas sa CNN Philippines.


“Kung may ginawa kang maganda (at) kabutihan, eh, sana, makita ng mas maraming tao para ma-inspire na gawin din ang ginagawa namin,” sambit ni SV.


Ang mga ipapalabas sa Dear SV ay mga inspiring stories ng mga ordinaryong Pilipino na hindi nawalan ng pag-asa sa pakikibaka sa buhay.

Aniya, Dear SV serves as my tribute to my father for raising me to where and what I am now. I know my dad will be smiling and watching Dear SV from heaven.”

Samantala, kaagad daw tinanggap ni Cong. Sam Verzosa ang konseptong ipinitch ng CNN Philippines.


Aniya, “I fell in love with it when they pitched the concept. It is really tailored-fit to my advocacy of helping people. That’s why I said ‘yes’ right away, especially that this is aired on mainstream media platform.”

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page