Para 'di raw mawala ang suwerte… KIM, UMAMING 'DI NAGLILINIS NG BAHAY KAHIT SOBRANG DUMI NA
- BULGAR
- Feb 10, 2021
- 2 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | February 10, 2021

Tulad ng ibang Chinese, naniniwala rin si Kim Chiu (she’s half) sa mga feng shui experts, Chinese horoscope, Chinese lucky charms lalo na sa tuwing sasapit ang Chinese New Year.
Kaya naman sa latest YouTube vlog ni Kim ay ibinahagi niya ang kanyang mga ritwal o preparasyon bago sumapit ang Chinese New Year on February 12.
Ang una niyang ginawa ay pumunta sa isang feng shui expert sa Binondo para magtanong ng mga pampasuwerte tips sa Year of the Metal Ox ngayong 2021. Aniya ay lagi siyang pumupunta rito para bumili ng mga lucky charms and stuff na kailangan sa Chinese New Year celebration.
Natuwa naman siya nang sabihin ng feng shui expert na masuwerte sa mga taong ipinanganak sa Year of the Horse na tulad niya ang 2021. Pero ‘yun nga lang, hindi raw masuwerte ang taong ito para sa Year of the Snake na siyang Chinese zodiac sign ng boyfriend niyang si Xian Lim.
“Oh my gosh, Xi, this will be a challenging year for you! Kaya mo ‘yan!”
Maraming ibinigay na guide, advice at tips ang feng shui expert tungkol sa love, business, career, gayundin ang mga bawal at hindi bawal gawin ngayong taon.
Sumunod na ginawa ni Kim ay nilagyan ng pampasuwerte ang kanyang bahay at inilabas ang kanyang mga kabayong figurines since masuwerte nga raw ang Year of the Horse. Nagsindi rin siya ng incense na aniya ay pang-recharge at pang-alis ng bad vibes.
Ibinahagi rin niya ang mga pagkaing “must-have” sa Chinese New Year tulad ng tikoy, pansit for long life, steamed fish na dapat daw ay nasa gitna ng table for abundance, circle-shaped fruits for money, shrimp for abundance pa rin daw, at green vegetables.
Masuwerte rin daw na magsuot ng red underwear sa Chinese New Year para sa mga gustong magka-love life. Effective raw ito dahil ginawa na niya. Ipinayo rin daw niya ito sa mga friends niya at nagkaroon daw ng dyowa ang mga ito.
Payo rin niya na huwag linisin ang bahay pagsapit ng Bagong Taon for the next three days dahil aalis daw ang suwerte.
“Sabi lang ng lola ko, so ‘yun ang ginagawa namin for so many years. So, huwag maglilinis ng bahay kahit sobrang dumi na siya, okay lang ‘yun,” aniya.
Ayon pa kay Kim ay proud siya sa kanyang Chinese roots at makikita naman talaga ito sa aktres.
Comments