top of page
Search
BULGAR

Para 'di maulit ang trahedya noong Enero... Tips para maging handa sakaling sumabog ang bulkan

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | October 7, 2020




Umaaktibo na naman ang bulkang Taal at nitong mga nakaraang araw, ilang mga pamamaga sa bunganga nito ang namataan ng mga siyentipiko ng Phivolcs at may lumitaw pang lupa sa gitna ng lawa ng bunganga ng bulkan at may panaka-nakang paglalabas ng puting usok. Maging ang bulkan ng Mayon ay binabantayan din. Noong Enero lang ay sumabog ang Taal at daan-daang pamilya at kabahayan ang napinsala. Marami ang nasawi sa bagsik ng bulkan.

Noong nakaraang araw ay may naganap na lindol sa lakas 5.4 na pagyanig sa Mindoro Occidental, iyan kaya ang sanhi ng mga pagpaparamdam ng mga naturang bulkan?

Sa ngayon, mayroong higit sa 500 mga aktibong bulkan sa mundo. Noong Enero, 2018 lang ang, bulkang Mayon ay bigla na lang nagbuga ng mga lava at dumaloy kaya naaalarma na naman ang lahat ng mga residente sa lugar, maging ang nasa bisinidad ng Legazpi City.

Ang mga danger zone areas ng nasabing bulkan at pinayuhan nang mag-ingat at pinakamabuting lumayo na bago pa dumating ang major eruption.

Kapag bumubuga na ng volcanic debris, mawawasak nito ang mga gusali, bukod sa masusunog pa dahil sa pagbuga ng mga putik na may baga.

Tila mga bolang apoy pang lumilipad ang ibang ibubuga ng bulkan, peligroso sa mga residenteng nakatira ng 100 milya malapit sa bunganga ng bulkan.

  1. Makipag-ugnayan na rin sa mga lokal na departamento ng pulisya at tingnan kung anong uri ng evacuation plan ang kanilang nakahanda at kung saan maaaring tumakbo sa sandali ng malawakang pagbuga nito.

  2. Alamin ang warning system ng lugar sa anumang insidente ng pagsabog.

  3. Maging handa sa anumang lakas na maaaring ibuga ng bulkan, bukod sa mga lava at malalaking nagbabagang bato, lindol, flashfloods, pagguho ng lupa, putik at pagkulog.

  4. Planuhin din ang rutang daraanan papunta sa evacuation site, pag-akyat sa matataas na lugar sa sandaling magkaroon ng malakas na pagsabog ng bulkan, palagiang maging handa sa tamang lugar na daraanan para makalayo sa peligro.

  5. Alamin din kung saan puwedeng matawagan ang pamilya kung sakaling nagkahiwa-hiwalay habang naghahanap ng evacuation. Maaari ring kontakin ang pamilyang malayo sa naturang siyudad o nasa ibang lugar upang matawagan at matakbuhan para mahingan ng tulong.

  6. Ngayon pa lang, ang mga taga-Legazpi at Taal ay dapat nang maglaan ng mga bagay-bagay, tulad ng flashlight at baterya, isang radyong de baterya, first aid kit, pagkain at mga nasa botelyang tubig at pagkain.

  7. Bumili ng goggles at disposable breathing mask para sa bawat miyembro ng pamilya.

  8. Lisanin na agad ang lugar kapag may una nang senyales ng pagsabog ng bulkan. Kung may oras pa, isara ang mga bintana at pintuan para maiwasan na ang mga abo at alikabok na pumasok sa loob ng bahay. Ilagak ang sasakyan sa garahe, para mas maging ligtas ito.

  9. Manatili sa loob ng bahay, habang sarado ang mga bintana at pintuan, kung wala nang oras pa para mag-evacuate at medyo malayo ka naman sa lugar ng danger zone.

  10. Gumamit ng dust mask o magtakip ng basang damit sa mukha para di makalanghap ng mga abo.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page