ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | July 6, 2020
Ang hinog na papaya.
Ang papaya ay isa sa pinakasikat na prutas na laging inihahanda sa hapag-kainan. Kumbaga, in every dinner or lunch, papaya is always there.
Ito ay sa dahilang napatunayan na sa pagkain ng papaya, lumalakas ang natural na depensa ng tao o ang immune system. Kapag mahina ito, madaling magkasakit at kapag naman malakas ito, ang tao ay masigla, masaya at matibay sa anumang karamdaman.
Malaki ang naitutulong ng pagkain ng hinog na papaya sa pagda-digest ng kinain kaya mas gumaganda ang araw kapag may kinain na papaya. Ang isa pa sa maganda sa pagkain ng hinog na papaya ay sumasarap ang tulog at nagigising na may madarama na bago at sariwang lakas na magagamit sa pagharap sa mga hamon ng kapalaran.
Bukod pa rito, ang pagkain ng hinog na papaya ay nagbibigay din ng lunas sa maraming karamdaman tulad ng sumusunod:
Hindi ka mabilis tatanda kapag kumakain ka ng hinog na papaya dahil ito ay isa mga prutas na nagpapabata.
Nalulunasan din ang sakit na hika o asthma.
Kinakain din ang hinog na papaya ng may cancer dahil ang papaya ay ikinokonsiderang may kakayahang labanan ang cancer cells.
Nagpapatibay ng buto ang pagkain ng hinog na papaya kaya habang tumatanda ang tao, dapat ay kumakain na siya ng hinog na papaya.
Malaki ang naitutulong ng pagkain ng hinog na papaya sa may mga diabetes.
Gamot ang papaya sa mga nahihirapang dumumi.
Napakahusay ng papaya sa heart problems kung saan kapag kumain ng papaya, ang puso ay mas lumalakas at tumitibay.
May kakayahan din ang papaya na labanan ang inflammation ng cells, tissues at muscles.
Ang nakakatuwa pa sa papaya, nagpapaganda rin ito ng kutis at may kakayahan ito na mabilis mapagaling ang anumang sugat sa balat.
Kayang-kaya ng papaya na palaguin ang mga buhok at gawing makapal at makislap.
Narito naman ang makukuhang sustansiya sa pagakin ng hinog na papaya:
Vitamins A, B, E at K
Folate
Magnesium
Copper
Pantothenic acid
Fiber
Alpha and beta-carotene
Lutein
Zeaxanthin
Calcium
Potassium
Lycopene
Dahil dito, huwag na huwag mawawala ng papaya sa iyong hapag-kainan. Makisakay sa nakagisnan ng ating lipunan na ang pagkain ng papaya ay bahagi na buhay.
Good luck!
Comments