ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 15, 2021
Hindi na kailangang magpakita ng medical clearance/certificate ang mga traveler-residents mula sa munisipalidad ng La Trinidad, Itogon, Sablan, Tuba at Tublay (LISTT) na papasok sa Baguio City, ayon sa inilabas na bagong Executive Order ni Mayor Benjamin Magalong na epektibo simula sa February 16.
Sa ilalim ng naturang EO 21, series of 2021, ang mga papasok sa Baguio para sa work-related purposes ay hindi na required magsumite ng negative antigen o RT-PCR test results.
Pahayag din ng Public Information Office (PIO) ng Benguet, “Cargo and logistic services for essential and non-essential goods and utilities for water, electricity, IT, telecommunications, fuel products and waste management shall be afforded unhampered passage, but may be subject to random inspection by the member of the Philippine National Police (PNP).
“Government agencies and those providing emergency services of humanitarian aid during times of typhoons or calamity shall also be afforded unhampered passage.”
Коментари