ni Madel Moratillo @News | August 10, 2023
Sa updated guidelines na inilabas ng Department of Health (DOH), nakasaad na kahit ano ang vaccination status ng isang indibidwal ay papayagan itong makapasok sa Pilipinas.
Sa nasabing guidelines, hindi na kailangang magprisinta ng vaccination certificate ang lahat ng international traveler na papasok sa bansa.
Nakadepende naman sa destinasyong bansa kung may vaccination requirements para sa mga lalabas ng Pilipinas.
Kaya payo ng DOH sa mga lalabas ng bansa, alamin muna ang requirements sa bansang pupuntahan.
Para naman sa overseas Filipino workers at seafarers, depende sa agency o kumpanya ang requirements sa vaccination.
Comments