ni Nitz Miralles @Bida | Nov. 3, 2024
Patuloy na binabakbakan si Claudine Barretto ng mga netizens sa pagpo-post ng screenshot ni Rita Daniela habang kausap niya through videocall. Inakusahan pa siyang clout chaser o papansin and for content lang ang pagpo-post habang magkausap sila ni Rita.
Kaya nang may nag-comment ng “Sa mga nagsasabi na bakit ipinost ‘yung screenshot ng convo nila, I assume nagpaalam si Ms. Clau kay Rita,” sumagot si Claudine ng, “Finally, may nakakaintindi sa napaka-obvious na post at point namin. Tingnan n’yo s’ya, how broken these things made her. Thank you, sweetie.”
Sabi pa ni Claudine, si Rita lang ang may power to tell her to stop.
May nabanggit din ang aktres na nakaranas din siya ng naranasan ni Rita a few years back. Naging curious ang mga fans at tinanong si Claudine kung sino ang nagparanas sa kanya ng gaya ng ginawa kay Rita.
Sagot ni Claudine, “Someday soon sweetheart I'll tell my truth. Can we all just love, protect and be compassionate towards each other, thank you.”
Sa makulit na nag-comment ng konting respeto sana kay Rita at hindi raw dapat ganu’n ang hitsura nito na ipinost ni Claudine, sagot ng aktres, “Konting respeto rin. Alam n’ya na ilalabas ‘yung pics na ‘yan.”
Sinundan pa ito ng “I won’t post anything na ‘di n’ya gusto. That’s your opinion, I respect that. Masama ba na ipakita kung gaano ka-broken and in pain ‘yung tao? For her to confide in me, ibig sabihin ‘di s’ya nahihiya. Can we just stick to the issue not on how she looks? Again, with permission ‘yan.”
In fairness, okay naman ang hitsura ni Rita sa screenshots na ipinost ni Claudine. Umiyak siya at nakatungo dahil nga sa grabeng pinagdaanan sa kamay ni Archie Alemania.
Tama si Claudine Barretto, bakit sa hitsura ni Rita Daniela ang focus ng mga netizens at hindi sa nangyari nang dahil sa sexual abuse?
Magdyowa na mga Kapuso stars ang invited nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Halloween dinner nila sa kanilang bahay. Kasama ni Julie Anne San Jose si Rayver Cruz, magkasama sina Kyline Alcantara at Kobe Paras, at sina Mikee Quintos at Paul Salas.
Sweet na sweet ding magkasama sina Bianca Umali at Ruru Madrid, pati na rin sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega.
Present din ang mag-asawang Rodjun Cruz at Dianne Medina at ang mga pinsan ni Dingdong na sina Arthur Solinap at Carlo Gonzalez.
Well, salbahe ang mga netizens, tanong nila kung hindi raw ba naging awkward kay Miguel dahil nasa dinner ang exes niyang sina Kyline at Bianca?
Sa nakita naman naming photos and video, masaya ang grupo at nagkantahan pa nga after ng dinner.
Bongga ang pa-dinner ng mga Dantes, ang Kai restaurant ang nag-cater at ang floral and event designer na si Teddy Manuel ang nag-design. Ang ganda ng setup, may flower pa sa plate at may nameplate para magkatabi ang mga magdyodyowa.
Labubu doll yata ang gift nina Marian at Dingdong sa kanilang mga bisita at may toys tour pa sila after. Ipinasilip ni Marian ang room na puno ng collection niya ng Labubu at Pop Mart dolls.
Sey nga ni Julie, “Had a wonderful dinnertime at DongYan’s with even better company! Thanks so much kuya @dongdantes and ate @marianrivera.”
Lantaran na pero… BDAY GREETINGS NI JULIA KAY COCO, WALANG I LOVE YOU
EVERY year at every birthday ni Coco Martin, matipid ang birthday message sa kanya ng kanyang dyowa na si Julia Montes. Last year, ang short ng birthday message ni Julia sa partner niya na birthday noong November 1.
Hindi nagbago si Julia, kahit more open na sila ni Coco sa kanilang relasyon. As in, puwede na silang magpakuha ng picture na magkasama at nagpo-post na ng photos sa kanilang mga bakasyon.
Ipinost nito ang larawan ng aktor na tila nagdo-drawing.
Ang caption niya ay “Super proud of you. Happy, Happy birthday! @cocomartin_ph.”
Tanong ng mga fans, bakit daw walang ‘I love you’ gaya sa ibang mga showbiz couples?
Iba nga kasi sina Julia Montes and Coco Martin, masanay na tayo.
Comments