top of page
Search
  • BULGAR

Papalitan ni Kim Domingo… IVANA, NAG-ATTITUDE, TSUGI NA SA SERYE NI COCO

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 8, 2024



Showbiz news

Last taping day na raw ni Ivana Alawi sa karakter niyang Bubbles sa seryeng FPJ’s Batang Quiapo kamakailan.


Ang dahilan ay ang pagiging diva raw nito sa set at hindi namamansin o pili lang ang pinapansin nito.


Nu’ng una raw ay pinalampas lang ng ibang cast at mga taga-production dahil baka hindi maganda ang mood, pero naloloka na ang lahat dahil araw-araw, hindi maganda ang mood?


Tsika ng PA (personal assistant) ng isa sa cast ng BQ, “Si Bubbles po, tatanggalin na raw. Nakapag-last taping na si Bubbles.


“Lagi po kasing hindi puwede si Bubbles ‘pag may taping, may lakad tapos ‘pag pinakikiusapan s’yang mag-extend ng oras, ayaw n’ya, umaalis na agad, saka po hindi masyadong nakikipag-usap.”


Naiilang daw tuloy ang lahat na kausapin siya o kumustahin man lang dahil pagdating ni Ivana sa location ay sa standby area lang siya at laging may kausap o ka-text sa cellphone.


At ‘pag take na ay nakasimangot at saka lang kakausapin ang kaeksena.

Narinig na namin dati ang kuwentong ito pero nalimutan naming isulat at ngayong mawawala na ang dalaga sa Batang Quiapo ay saka namin naalala.


Sabi pa ng kausap namin dati, “Si Coco (Martin) lang naman ang pinapansin nu’n. Ang mahal-mahal ng ngiti, saka diva s’ya, Reggs (inyong lingkod).”


Sakto naman na may nag-post ng mga larawan ng cast sa social media na may matsutsugi ulit sa Batang Quiapo pagkatapos mawala ang karakter nina Elijah Canlas at Yce Navarro na naging pahulaan pa.


Sino raw kina Ms. Charo Santos-Concio (Tindeng), Christopher de Leon (Ramon), Cherry Pie Picache (Marites), John Estrada (Rigor), Tessie Tomas (Señora Bettina), Jaime Fabregas (Don Facundo), McCoy de Leon (David), Joel Lamangan (Roda), Senator Lito Lapid (Supremo), Lorna Tolentino (Amanda) at Ivana Alawi (Bubbles)?


Nakakaaliw ang mga netizens dahil alam nila kung sino, si Ivana raw dahil may gagawing pelikula. Puwede rin naman kaya nagpaalam na.


Ang ipapalit daw na bagong partner ni Coco as Tanggol ay si Kim Domingo na ipinakita rin sa episode nitong nakaraang Biyernes na may babaeng naka-baseball cap at nakatingin sa kinaroroonan nina Tanggol habang kausap sina Joey Marquez at Mark Lapid.


Bukas ang BULGAR sa panig ni Ivana o ng kampo nito tungkol sa isyung ito.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page