top of page
Search

PAOLO, HABANG MINUMURA NG MADLANG PIPOL, LALONG GINAGANAHAN

BULGAR

ni Nitz Miralles @Bida | June 11, 2023




May mga nag-unfollow na kay Herlene Budol sa Instagram dahil sa pagiging bagong hosts nila ni dating Manila Mayor Isko Moreno ng Eat… Bulaga! ng TAPE, Inc..


Tinawag na walang delicadeza si Herlene at tiyak na dadami pa ang magagalit, mag-a-unfollow at mamba-bash sa kanya araw-araw habang napapanood siya sa EB!.


Samantala, may pa-statement si Paolo Contis sa first week nila nina Betong Sumaya, Legaspi twins, XoXo at Buboy Villar na puno ng bashing at hate comments.


“Lahat ng pagod, lahat ng effort na araw na makasama namin kayo, lahat ng pang-aalipusta, lahat ng pamba-bash, lahat ng pagmumura sa 'min ng mga tao, lahat po 'yan, inspirasyon po namin 'yan to do better.


“Binabasa po namin lahat 'yan. Pero siyempre, 'yung magagandang comments, nababasa po namin 'yan kaya maraming-maraming salamat po.


"Bukod sa kayo po ang inspirasyon namin, mga Dabarkads, isa pa sa mga inspirasyon namin ay 'yung mga Dabarkads namin dito sa studio.


“'Yan po 'yung mga nasa likod ng camera, 'yung mga staff, writers, 'yung crew, si Direk, 'yang mga boss namin, lahat po 'yan, inspirasyon po namin 'yan. Umaga hanggang gabi, nagtatrabaho po sila.


“Pagdating po namin dito sa studio, masaya kayo at alam na namin ang gagawin namin. Sila ang dahilan kaya alam namin ang ginagawa namin. Ngayon, gaya po ng programang Eat

Bulaga!, ito pong mga staff and crew namin, pinili po nila na hindi rin mang-iwan dahil may

mga pamilya sila na nangangailangan. Sila po ang nagpapakain sa pamilya nila. 'Yan po ang dahilan, isa sa mga dahilan kung bakit hindi nila tayo iniwan.


"Ang Eat… Bulaga! po ay hindi lang po kami 'yan. Hindi lang po mga artista 'yan. Kasama po lahat ng nasa camera para maitaguyod namin ‘yung programa. Ngayon, 'pag nagkaiwanan, ang pinakaapektado po, sila.


“Kasi kaming mga artista, may iba kaming show, may iba kaming puwedeng pagkakitaan.


Heto po ang kabuhayan nila. Masakit sa akin 'pag bina-bash ninyo sila. Ako, sanay ako diyan! Breakfast, lunch, dinner, ako ang i-bash n'yo. Okay lang sa akin. Kasi po, we do our best para maging masaya po kayo.


"Pero sana, sana lang po, sana lang po, huwag n'yo na pong idamay 'yung staff at 'yung crew, they don’t deserve it.


“Maybe I do, maybe I do, but they don’t. So, kami na lang, sanay na kami diyan. Sila po ang staff at crew. Sila po ang tunay na Eat… Bulaga!,” pahayag ni Paolo na may kasamang pakiusap.

0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page