top of page
Search
BULGAR

PAO lawyers, bawal nang umasiste sa extra-judicial confession proceedings — Chief Acosta

ni Madel Moratillo | May 23, 2023




Pinagbawalan na ang lahat ng abogado ng Public Attorney's Office na umasiste sa pagbibigay ng extra-judicial confession ng Persons Deprived of Liberty o iba pang suspek sa panahon ng custodial investigation o iba pang pagkakataon kaugnay ng isang criminal investigation.


Sa isang memorandum na pirmado ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta, nakasaad na ang hakbang ay kasunod ng mga insidente ng pagbawi ng nasabing indibidwal sa nauna nitong extra-judicial confession.


Layon umano nitong maiwasan na magkaroon ng conflict of interest sa kaso sakaling mai-assign ang parehong kaso sa PAO.


Layon din umano nitong maiwasan na magamit o maabuso ang PAO ng “evil-minded persons”na ang nais lang ay lituhin ang mga imbestigador o makaiwas sa parusa.


Sa halip, lahat ng requests para sa legal assistance ay ieendorso umano sa Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), at iba pang law enforcement agency.

Kung wala naman itong kakayahang kumuha ng abogado, papayuhan ito na puwede naman siyang bigyan ng competent at independent counsel ng investigating officer.


Sa isang bukod na post sa kanyang social media page sinabi ni Acosta na nakasaad sa Section 5 ng Republic Act No. 9406 na ang awtoridad at responsibilidad para magpatupad ng mandato o kapangyarihan nito ay nakabatay sa hepe Public Attorney.


0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page