top of page
Search
BULGAR

Panukat sa matinong lider, ideolohiya pa rin

ni Ka Ambo @Bistado | Oct. 17, 2024



Bistado ni Ka Ambo

Nagkalat sa Pilipinas ang substandard na reinforcement bar sa mga hardware.

Hummm, tipong gawang China ‘yan.


-----$$$--


PUWEDENG sinasadya ito ng China upang ‘pag nagkalindol, unti-unting guguho ang mga gusali sa Pilipinas.

Hindi na kailangan ang ballistic missile o bomba na magmumula sa kanila.


----$$$--


MISTULANG “bomba” o “dinamita” ang mga substandard rebar na made in China.

Napakatagal nang “epidemya” ‘yan sa construction industry pero dinededma lang ng gobyerno ng Pilipinas.


-----$$$--


MAIKUKUMPARA ang substandard na hardware materials sa “plastic bomb” na inilagay ng intel agent ng Israel sa walkie-talkie at pagers sa Lebanon.

Mas malalim ang diskarte ng mga Tsekwa kasi walang “bomba” pero guguho ang mga gusali.


------$$$--


‘CORRUPTION’ sa gobyerno ang sanhi ng nagkalat na substandard materials mula China.

Dispalinghado ang enforcement agencies sa Pilipinas na tila nagkakamal ng protection money mula sa mga buwitreng importer.


-----$$$---


UMAANGAT pa ang ekonomiya ng Russia imbes na bumagsak.

Gabundok kasi ang reserba nilang “ginto”.

Hindi iyan ibinubunyag ng mga pekeng “eksperto” sa ekonomiya.


----$$$--


BAGO sinakop ng Russia ang Ukraine, nag-imbak muna sila ng tone-toneladang ginto.

Ginto pa rin at hindi dolyares ang pundasyon ng ekonomiya sa ibabaw ng lupa.


------$$$--


NAPAKARAMING ginto sa Pilipinas.

Hindi ito naubos ng iba’t ibang superpower na sumakop sa ating bansa.


----$$$--


HINDI rin nagawang ubusin ng mga ‘buwaya’ sa pamahalaan ang ginto sa Pilipinas.

Ang ginto ang biyaya ng Panginoon sa lahing kayumanggi.


----$$$--


IDEOLOHIYA pa rin ang panukat sa isang matinong lider ng bansa.

Kapag hindi nauunawaan ng mga kandidato ang angkop na ideolohiya na dapat niyang yakapin, walang direksyon ang ating Republika.


-----$$$--


GULO sa buong daigdig ay sanhi ng magkakatunggaling ideolohiya.

Nagsimula ang ideolohiya sa mistiko at relihiyon.


----$$$--


NALIGAW ang mga lider dahil sa paggamit ng “terorismo” upang maghari ng pinaniniwalaan nilang ideolohiya.


Nauunawaan ba iyan ng mga pulitiko, nauunawaan ba ‘yan ng mga botante, nauunawaan ba ‘yan ng ordinaryong mamamayan?


Hindi!


 

Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page