ni Thea Janica Teh | August 30, 2020
Binawi ni Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo ang ipinasang bill tungkol sa pagbibigay ng pahintulot sa Pangulo na kumuha ng temporary successor mula sa miyembro ng gabinete kung sakali mang hindi kaya ng mga nakalinyang successor nito.
Sa sulat na inilabas ni Castelo, ini-request nito ang “withdrawal and permanent archiving” sa House Bill No. 4062 o “Presidential Succession Act” na ipinasa noong August 2019.
Dagdag pa sa sulat, “Please take note that said bill has not been acted upon by the Committee on Constitutional Amendments since the date of its filing.”
Una nang sinabi ni Castelo na ang desisyong ito ay para mabura ang impression na ito ay sumusuporta sa pagbalewala sa constitutional line ng succession sa presidency.
Sa ilalim ng 1987 Constitution, ang nakalinyang pumalit sa Presidente ay ang Vice President, Senate President at House Speaker lamang.
Bukod pa rito, sinabi rin ni Castelo na itong bill na ito ay hindi para tanggalin ang linya ng succession. Aniya, “I am for respecting that provision of the Constitution and the line of succession to the highest office.”
Nagpasa rin ng kaparehong bill si Senator Panfilo Lacson sa upper chamber.
Comments