ni Mai Ancheta | May 16, 2023
Sinupalpal ni Chief Presidential Legal Counsel at dating Senate President Juan Ponce Enrile ang panukala sa Kamara na gawing P64,000 ang sahod ng mga nurse sa gobyerno.
Ani Enrile, masyadong mataas ang panukala kaya dapat na timbangin ng mga mambabatas ang suweldo ng mga manggagawang nasa gobyerno at pribadong sektor.
Kapag aniya nangyari ito ay tataas ang inflation at wala ring mangyayari sa idinagdag sa sahod sa government nurses.
Binanatan ni Enrile ang mga mambabatas na hindi aniya nag-iisip at hindi naiintindihan ang ginagawa basta makapagpapogi lamang sa publiko.
Nilinaw ng abogado ng Palasyo na hindi siya tutol sa pagtaas ng sahod ng mga manggagawa sa gobyerno subalit dapat pag-aralan din kung ito ba ay makakaapekto sa ibang sektor ng lipunan.
Comentários