ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | October 03, 2021
Kaisa tayo sa panawagan ng pantay at mabilis na pamamahagi ng bakuna laban sa COVID-19 ng mga local government units (LGUs) sa labas ng Metro Manila, lalo na sa iyong mga nakararanas ng pagtaas ng bilang ng mga kaso.
Isang dagdag-pananggalang kasi ang pagbabakuna, lalo na at kumakalat ang variants ng COVID-19.
Kung kaya’t nakikiusap tayo sa ating vaccine czar, si Secretary Carlito Galvez, na pakinggan at aksiyunan ang panawagang ito ng ating mga kababayan.
☻☻☻
Ayon sa datos ng pamahalaan, mahigit 45 milyong doses na ng bakuna ang naiturok sa ating mga kababayan, as of September 29. Katumbas ito ng mahigit 21 milyong Pilipinong fully vaccinated na, na kung saan 7.2 milyon ang nasa Metro Manila.
Ayon kay Sec. Galvez, magkakaroon ng at least 100 million vaccine doses sa katapusan ng Oktubre.
Inaasahan din na mahigit 55 milyong doses ang maituturok sa panahon na iyon.
☻☻☻
Ngunit magiging epektibo lamang ang pagbabakuna kung mayroong sapat na supply ng bakuna sa ating mga LGU, lalo pa at itinaas ang target population na dapat mabakunahan.
Kailangang mabakunahan ang 90 percent ng populasyon upang maabot natin ang tinatawag na herd immunity.
Kung kaya’t kailangang pabilisin at gawing pantay ang distribusyon ng mga bakunang ito, lalo na sa mga malalayo at geographically isolated and disadvantaged areas (GIDA).
Dapat maramdaman agad ng ating mga kababayan ang parating na supply ng bakuna at hindi lamang patuloy na maghihintay.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Comments