ni Ador V. Saluta @Adore Me! | August 30, 2024

Isa si Albie Casiño sa mga kanasa-nasa nating aktor dahil sa pagiging tisoy, flawless at maskuladong pangangatawan.
Naisip tuloy ng ilang nasa showbiz kung nasilipan o nabosohan ba siya noong nasa Pinoy Big Brother (PBB) house pa siya bilang housemate ng PBB Kumunity Season 10 noong 2021. May mga tasks kasi ang mga housemates na sila’y naligo sa swimming pool sa loob ng bahay ni Kuya.
Agad namang sinagot ng actor ang tanong, “‘Di ako sure. Siguro nu’ng nasa PBB [house] ako, panay camera du’n.”
Aware naman ang aktor na may mga camera sa loob ng banyo ng PBB house at laging may nakatutok na camera sa mga housemates na gaya niya.
Tinanong ang aktor kung nakakasiguro ba siyang hindi lalabas ang video na kuha mula sa PBB bathroom.
Sey ni Albie, “Ang iniisip ko lang, sa tagal ng PBB, kung may chance na lumabas ‘yun, may lumabas na dati pa.”
Samantala, dahil kontrobersiyal ngayon ang isyu sa harassment among showbiz stars kung saan nasangkot nga sina Sandro Muhlach, Gerald Santos, ang news researcher ng TV5, at ang latest ay si Ahron Villena, na pawang sumisigaw ng hustisya sa naranasang harassment sa kanilang kasamahan sa trabaho, sa media conference ng Vivamax movie na Butas nu'ng Martes (Agosto 27), tinanong ang lead actor nitong si Albie tungkol sa sexual harassment sa mga male celebrities.
Ani Albie, “I always speak for myself but I don’t want to speak and maybe invalidate other people. So, ‘yun ang unang-una kong sasabihin.
“Everything I can say right now is only based on my sole experience. I can’t talk about anyone else’s experience other than my own because everybody has the right to live their own experience.
“But this is, like I’ve said, my experience.”
Sey pa ng aktor, “Never naman may nangyari where I felt taken advantage of. Never! I’ve worked with multiple directors and I’ve had to wear plaster multiple times, and I’ve never felt violated.
“Thank God na rin that it never happened to me. But like I said, I don’t wanna be invalidating anyone else’s experience.”
Sa panayam kay Albie sa mediacon, hindi niya tahasang binanggit ang pangalan ni Direk Joel Lamangan, pero iginiit niyang hindi siya nagkaroon ng masamang karanasan sa direktor na ilang beses na niyang nakatrabaho.
Nakatrabaho ni Albie si Direk Joel sa drama films na Rainbow’s Sunset (2018), Isa Pang Bahaghari (2020), Moonlight Butterfly (2022), at sa Vivamax movie na Biyak (2022).
Saad ni Albie Casiño, “I’ve never had anything bad... I want to say something kasi I feel like this director I’ve worked with before is kinda under fire.
“But like I said, I’ve worked with him and nothing bad ever happened.”
Comments