ni Madel Moratillo | July 13, 2020
Sa panahong ito ng COVID-19 pandemic, kailangang pairalin ang common sense.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, ito ang sinunod nang sikaping magkaroon ng sariling molecular diagnostic laboratory ang kanilang lungsod.
Dahil aniya sa malakas na testing capacity ng Marikina, hindi nila kailangang umasa sa iba pagdating sa pagsusuri sa kanilang mamamayan.
Matatandaang nagkaroon ng isyu noon ang itinayong laboratoryo ng Marikina matapos itong hindi aprubahan ng Department of Health (DOH) pero kalauna'y binigyan din ng lisensiya ng kagawaran at tinawag pa ni Health Sec. Francisco Duque III bilang isa sa pinakamahusay na testing facility sa bansa.
Comments