top of page
Search
BULGAR

Paninigarilyo, hindi pagtu-toothbrush at iba pa, dahilan kung bakit bumabaho ng hininga!

ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | November 27, 2020




Dear Doc. Shane,


Naninigarilyo ang boyfriend ko at hindi ko masabi sa kanya na siya ay bad breath. Ano ba ang puwedeng gawin upang mawala ito? – Peks


Sagot


Halitosis ang medical term para sa bad breath o mabahong hininga. Ito ay maaaring nagmumula sa bibig mismo at sa dila. Dahil ito ay nakapagpapabagabag at nakakahiyang kondisyon, maaari rin itong magdulot ng emotional stress.


Narito ang ilan sa mga bagay na nakaapekto sa amoy ng hininga ng tao:

  • Anumang pagkain ay maaaring makaapekto sa hininga ng tao. Ang mga pagkain na may matatapang na kemikal at amoy ay higit na nakaaapekto sa hininga. Halimbawa ay ang sibuyas, bawang at iba pang pampalasa.

  • Ang mga kemikal na nakukuha sa paghithit ng sigarilyo ay maaaring kumapit sa bibig at magdulot ng hindi kanais-nais na amoy. Maaari rin itong magdulot ng sakit sa gilagid na isa pang sanhi ng mabahong amoy.

  • Kapag hindi nagto-toothbrush, tiyak na maiipon ang tinga sa ngipin, dila at iba pang bahagi ng bibig na siyang pinupugaran ng bakterya na nagdudulot ng masamang amoy. Ang mataas na bilang ng bakterya sa bibig ay maaaring magdulot ng mga sakit na nakadaragdag sa hindi kanais-nais na amoy.

  • Ang ilang kondisyon sa bibig na dulot ng impeksiyon ng bakterya o sugat ay maaaring magdulot ng mabahong hininga. Ang bulok na ngipin, pagsusugat ng gilagid o gingivitis at mouth sores o singaw ay nakadaragdag sa mabahong amoy.

  • May ilang sakit na nakaaapekto sa daluyan ng pagkain tulad ng esophagus at tiyan, pati sa daluyan ng hininga na maaaring magdulot ng mabahong amoy. Halimbawa, kung nakararanas ng acid reflux mula sa tiyan, maaari itong magdulot ng mabahong amoy.


Kumunsulta sa dentista para ma-check kung ikaw ay may mga sirang ngipin na dapat pastahan o bunutin at kung kinakailangan ng oral prophylaxis o cleaning. Kailangan din natin ng regular na prophylaxis dalawang beses sa isang taon.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page