ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | August 02, 2021
Balik na naman ang ECQ sa NCR mula August 6 hanggang August 20 dahil sa banta ng Delta variant. Nakakatakot!
At isang linggo bago ang ECQ, dagsa na naman ang mga mamimili sa mga grocery o supermarket at mga palengke para mag-stock ng pagkain sa buong panahon ng ECQ.
Kaya heto na naman ang panic buying. Nakapag-aalala ‘yan kasi isang linggo bago ang ECQ tiyak hindi mapipigil ang pagbaha ng tao sa mga pamilihan at mind you, mag-ingat ng todo-todo. Baka makalimutan na naman ang social distancing, eh, baka sa halip na makaiwas tayo sa Delta variant, sa ating pamimili pa tayo dapuan ng virus.
At kapag may panic buying, aba, kahit may pandemya, marami pa ring nakaabang na mga mapagsamantalang negosyante. Hindi na tayo magtataka kung biglang sisipa ng mas mataas ang presyo ng mga bilihin na dagdag-pahirap sa ating mga kababayan ngayong may pandemya.
Pero IMEEsolusyon d’yan, habang maaga-aga pa nananawagan tayo sa DTI. Plis naman, bantayan n’yo ang presyo ng mga bilihin, lalo na't may panic buying.
IMEEsolusyon, eh, agapan na at maglabas ng bagong Suggested Retail Price, para naman ‘yung mga switik na negosyante, hindi makaporma, ‘di ba? Magbabalak pa lang silang manamantala, nasopla agad ng DTI!
IMEEsolusyon din sa ating mga kababayan na kapag mamimili, ‘wag makipagsabayan sa dagsa ng tao, kung puwede, mamili tayo kapag patay na oras para makaiwas sa bulto ng mga naggo-grocery o rami ng tao.
IMEEsolusyon din — bumili tayo sa mga hindi naman kalakihang mga grocery store o supermarket na madalang ang bumibili. Kasi minsan ang bulto ng tao ay nasa malalaki at kilalang mga grocery o supermarket sa mga mall. At saka, puwede na naman mamili online, ‘di ba! ‘Yun na lang iwas na sa crowd, iwas pa sa virus.
Komentar