top of page
Search
BULGAR

Pangulong Duterte puro puna, hindi alam ang sitwasyon ng pandemya — VP Leni

ni Jasmin Joy Evangelista | September 7, 2021



Ayon kay VP Leni, kung bibigyan siya ng pagkakataon na mamuno sa pandemic response ng gobyerno, magiging prayoridad niya ang wastong paggamit ng pondo.


"Ang una kong gagawin, titingnan how much money do we have now. Itatabi natin 'yon sa kung ano ba 'yung pinakakailangan... Halimbawa isa sa pinakakailangan ngayon, 'yung pag-asikaso sa healthcare workers natin... Talagang kailangan may kumukumpas sa taas," ani Robredo sa isang panayam.


Napapansin pa raw niyang tila nalilihis ang atensiyon ni Pangulong Duterte dahil sa politika at hindi raw alam ang sitwasyon ng pandemya.


"The last 2 press conferences were really quite frustrating for us kasi nasa middle tayo ng surge na kailangan all hands on deck, 'yung urgency is really most important now tapos the greater part of the press conference is pinupuna 'yung mga senador, pinupuna ang COA," pahayag niya.


"Pag pinapakinggan ko at binabasa 'yung transcript, may sense ako na hindi na niya alam lahat ng detalye. Ang tingin ko lang, kulang sa pagtutok sa detalye," dagdag niya.


Ayon pa sa bise presidente, imbes na awayin ng Pangulo ang mga senador at depensahan ang mga sangkot sa umano'y overpricing ng medical supplies ay dapat harapin nila ang imbestigasyon.


"The President has been sending mixed signals. 'Yung claim niya na corruption is one of the flagship programs niya when he was campaigning," aniya.

Komentar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page