ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | April 6, 2023
Nitong nakaraang mga araw, marami sa mga kababayan natin ang dumaing dahil sa diumano’y hindi magandang serbisyo ng Cebu Pacific Air.
Kasama sa mga reklamo ay mga kaso ng offloading at overbooking, at mga technical glitches sa online booking.
May mga lumapit sa aking opisina para magreklamo, kasama na ang isang pamilya na na-offload na hindi naman nagkulang sa paghahanda, at nasa airport na, apat na oras bago ang kanilang flight.
☻☻☻
Dahil dito, maghahain tayo ng resolusyon para maimbestigahan ang mga reklamo laban sa Cebu Pacific sa muling pagpapatuloy ng session sa Senado.
Nais nating malaman kung naaabuso na ba ang practice ng overbooking.
Kasama rin sa nais nating matukoy ay kung naiimplementa ba nang maayos ang Air Passenger Bill of Rights at iba pang batas na nagpoprotekta sa kapakanan ng madla.
☻☻☻
Karapatan ng mga kababayan natin ang maayos na transportasyon.
Kaya kinakailangang makialam ang pamahalaan kapag napeperhuwisyo ang maraming tao dahil sa pangit na serbisyo.
☻☻☻
Panahon ng pagninilay ngayon para sa karamihan ng Pilipino.
Bukod sa pagdaraos ng Semana Santa, sa kasalukuyan ay Ramadan.
Nawa’y hindi natin sayangin ang pagkakataon para pagnilayan kung paano tayo maging mas mabuting tao sa mata ng Diyos, para sa ating kapwa.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Comments