Pangingisda ng mga Pinoy sa WPS, tagumpay sa gitna ng China ban
- BULGAR
- May 31, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando @News | May 31, 2024

Tagumpay at nagtapos nang ligtas ang paglalayag ng mga mangingisda mula sa Zambales sa West Philippine Sea (WPS) sa gitna ng ipinatupad na unilateral na China ban o pagbabawal sa pangigisda.
Kinumpirma ni Joey Marabe, ang coordinator ng PAMALAKAYA sa Zambales, na ang mga bangkang lumahok ay ligtas na nakabalik sa baybayin.
Sinabi naman ni Ronnel Arambulo, ang vice chairperson ng PAMALAKAYA, na walang presensya ng China sa kanilang ginawang paglalayag na umabot hanggang sa 30 nautical miles mula sa baybayin ng Luzon.
Binigyang-diin din ni Arambulo na magpapatuloy ang mga mangingisdang Pilipino sa pangingisda sa WPS dahil kabuhayan nila ito at pansuporta sa kanilang pamilya kahit mayroong ban mula sa China.
Comments