Panggigipit sa sustento sa anak, pasok sa Economic abuse
- BULGAR
- May 18, 2023
- 4 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | May 18, 2023
Dear Chief Acosta,
Mayroon akong anak, ngunit hindi kami kasal ng ama niya. Naghiwalay kami dahil sa pagiging seloso niya, at lahat ng makatrabaho o makasalamuha ko ay pinagseselosan niya. Ang problema ko ay ang panggigipit niya sa sustento ng anak namin. Nawalan ako ng trabaho dahil sa panggugulo niya, parang sinasadya niya na manggulo para mawalan ako ng trabaho. Ayaw ko sanang umasa sa kanya, ngunit para naman ito sa anak namin. Ngayon, ilang beses na akong humihingi sa kanya ng suporta para sa anak namin, lalo na sa pag-aaral ng bata, ngunit hindi siya nagbibigay kahit malaki ang kinikita ng negosyo niya. Ang gusto niyang mangyari ay magsama-sama kami muli. Hindi ako papayag na mangyari ‘yun dahil ayaw ko nang mangyari pa muli ang mga naranasan kong pang-aabuso sa kanya noon. Pakiramdam ko ay ginigipit niya ang anak namin at ginagawang sangkalan ang suporta ng bata para sa personal na interes niya. Ang palagi niyang sinasabi ay wala siyang masamang intensyon, kaya hindi ko siya maaaring kasuhan. Ganu’n ba talaga ‘yun? Kahit gipit na gipit na ang anak niya ay wala kaming magagawang mag-ina? Sana ay malinawan niyo ako. – Anita
Dear Anita,
Ang isa sa mga uri ng pang-aabuso sa isang babae o sa anak nito ay tahasang panggigipit sa sustento. Maliban dito, ang pagpigil sa isang babae na magtrabaho at tumayo sa sarili niyang mga paa o ang paggawa ng mga bagay na maaaring pumigil sa kanya kaugnay dito ay maituturing ding pang-aabuso kung walang balido, seryoso at moral na dahilan ang asawa o kinakasama na pigilan o tutulan siya. Nakasaad sa depinisyon ng economic abuse sa ilalim ng Section 3 (a) (D) ng Republic Act (R.A.) No. 9262, o mas kilala bilang “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004”:
“SECTION 3. Definition of Terms. - As used in this Act,
D. "Economic abuse" refers to acts that make or attempt to make a woman financially dependent which includes, but is not limited to the following:
Withdrawal of financial support or preventing the victim from engaging in any legitimate profession, occupation, business or activity, except in cases wherein the other spouse/partner objects on valid, serious and moral grounds as defined in Article 73 of the Family Code;”
Partikular na nakasaad din sa Section 5 (e) (2) ng R.A. No. 9262, ang pag-alis ng suporta o pananakot kaugnay sa pag-alis ng naturang suporta o tahasang hindi pagbibigay ng angkop na suporta ay ikinokonsidera bilang pang-aabuso:
“SECTION 5. Acts of Violence Against Women and Their Children.- The crime of violence against women and their children is committed through any of the following acts:
(e) Attempting to compel or compelling the woman or her child to engage in conduct which the woman or her child has the right to desist from or desist from conduct which the woman or her child has the right to engage in, or attempting to restrict or restricting the woman's or her child's freedom of movement or conduct by force or threat of force, physical or other harm or threat of physical or other harm, or intimidation directed against the woman or child. This shall include, but not limited to, the following acts committed with the purpose or effect of controlling or restricting the woman's or her child's movement or conduct:
(2) Depriving or threatening to deprive the woman or her children of financial support legally due her or her family, or deliberately providing the woman's children insufficient financial support;”
Kung ang sitwasyon mo at ng iyong anak sa ama nito, kaugnay sa panggigipit sa suporta ay napapaloob sa nabanggit na probisyon ng batas, maaari kayong maghain ng kaukulang reklamong kriminal. Ang pagsabi niya rin na wala siyang masamang intensyon, gayung sa kabilang banda, kung ang ginagamit niyang sangkalan ay ang kakayahan niyang magbigay ng sapat na suporta para sa anak ninyo kapalit ang pakikipagbalikan mo sa kanya, hindi balidong dahilan upang hindi siya makasuhan. Sa kasong XXX vs. People of the Philippines, G.R. No. 221370, June 28, 2021, ipinaliwanag ng Korte Suprema, sa panulat ni Honorable Associate Justice Ramon Paul L. Hernando, na:
“There is also no merit in petitioner's argument that the absence of malice on his part should warrant his acquittal. Crimes mala in se are those "so serious in their effects to society as to call for almost unanimous condemnation of its members." On the other hand, crimes mala prohibita are "violations of mere rules of convenience designed to secure a more orderly regulation of the affairs of society." Generally, the term mala in se pertains to felonies defined and penalized by the RPC while mala prohibita refers generally to acts made criminal by special laws. In acts which are declared to be mala prohibita, malice or intent is immaterial. Since RA 9262 or the Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 is a special law, the act of deprivation of financial support is considered malum prohibitum. Petitioner's argument of absence of malice or intent is immaterial and the only inquiry to be made is whether or not XXX committed the act.”
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.
Comments