ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 17, 2021
Naglunsad ang pamahalaan ng Quezon City ng panggabing COVID-19 vaccination services para sa mga manggagawang hindi magawang lumiban sa trabaho sa umaga.
Saad pa ng QC local government unit, “Layon nitong mabakunahan ang mga essential workers na hindi makapagliban sa kanilang trabaho sa umaga, lalo na ang mga no work-no pay personnel.”
Alas-6 nang gabi nagsisimula ang pagbabakuna hanggang 10 PM.
Umabot na rin umano sa 2,000 pre-registered essential workers na kabilang sa A4 priority group ang nabakunahan na sa Quezon City Hall Grounds kagabi.
Saad pa ni QC Mayor Joy Belmonte, "Ngayon, hindi na nila kailangang mamili kung arawang kita ba muna o bakuna. We will inoculate them at a time most convenient to them.”
Comments