top of page
Search
  • BULGAR

Pangarap na makasampa, sa taong 2025 matutuloy

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | June 20, 2024



Dear Maestro,


Graduate ako ng Bachelor of Science in Marine Transportation. Kasalukuyan akong nag-a-apply sa barko at ngayon ay nagte-training na ako para makasampa na, at malapit ko na makumpleto ang mga papeles ko. 


Naisipan kong sumangguni sa inyo para itanong kung makakaalis kaya ako? Kung may pag-asa akong makaalis, kailan naman kaya ito? Kung halimbawang nasa abroad na ako, susuwertehin din kaya ako roon? 


Dagdag dito, Maestro, nais ko ring malaman kung ano ba ang mapalad na petsa at kulay ang dapat kong gamitin? 


Samantala, compatible at makakatuluyan ko rin ba ang girlfriend ko na isinilang noong November 7, 1999?


Ang birthday ko ay June 29, 1997.


Umaasa,

Edward ng San Roque, Bongabon, Nueva Ecija



 


Dear Edward,


Ang zodiac sign mong Cancer, gayundin ang birth date mong 29 o 2 (ang 29 ay 2+9=11/ 1+1=2) ay tunay ngang ka-compatible ng zodiac sign na Scorpio at birth date na 7 ng girlfriend mo. Kung saan ang numerong 2 at 7 at zodiac sign n’yong Scorpio at Cancer ay kapwa nasasakop ng elementong tubig. 


Ayon sa Western Astrology, tunay at sadyang tugma talaga kayo para sa isa’t isa. Sa iyong pagbabalik kung sakaling matuloy ka sa ibang bansa, kayo na nga ang tiyak na magkakatuluyan at magsasama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.Samantala, mapalad ka naman sa kulay na berde, higit lalo sa petsang 7, 16, 25, 2, 11, 20, 29, partikular kung natapat ang nasabing petsa sa araw ng Linggo at Lunes. 


Kusa namang iigting ang mabuti mong kapalaran mula sa ika-20 ng Enero hanggang ika-28 ng Marso, mula sa ika-20 ng Hunyo hanggang ika-28 ng Hulyo at mula sa ika-20 ng Oktubre hanggang ika-28 ng Nobyembre.


Ang batong agate o moonstone naman ang magsisilbi mong panghatak at panghigop mo ng suwerte, kahit saang lugar ka pa mapadpad higit lalo kung ipapalamuti ito sa gintong singsing.


Ayon naman sa iyong Travel Calendar, tiyak ang magaganap pagbungad na pagbungad sa susunod na taon, sa edad mong 28 pataas, matutupad na ang pangarap mong makapag-abroad, sa nasabing panahon – makakasampa ka na sa barko hanggang sa isang maging ganap at mahusay na mandaragat.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page