top of page
Search
BULGAR

Pangarap na maiahon sa kahirapan ang magulang, tiyak na matutupad

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | August 18, 2024


Kapalaran Ayon Sa Palad

KATANUNGAN


  1. Gusto ko sanang mag-abroad. Ito lang din kasi ang alam kong paraan para maiahon ko sa kahirapan ang aking magulang na kasalukuyang nasa probinsya. Kaya naman, nag-apply ako bilang domestic helper sa Dubai.

  2. Maestro, may pag-asa ba akong makapag-abroad? Once na natuloy ako, magiging maganda kaya ang trabaho ko roon, at magkakaroon kaya ako ng mabait na employer?

 

KASAGUTAN


  1. May malinaw, makapal at malawak na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa malapit na hinaharap, may pangako ng maalwan at positibong pangingibang-bansa na itatala sa iyong kapalaran, na madali namang kinumpirma ng birth date mong 1.

  2. Karamihan sa mga indibiduwal na nagtataglay ng birth date na 1 ay nakakapag-abroad. Ang problema lang sa kanila, kapag nasa abroad na, minsan ay hindi sila marunong magtipid o magsinop ng kabuhayan. Kaya sa umpisa lang nagiging maalwan ang kanilang buhay, pero kapag tumagal na, mabilis ding nasisimot at nauubos ang kanilang pinagpaguran.

  3. Hindi naman dapat mangyari iyon sa iyo, kaya ngayon pa lang pinapaalalahanan ka na ng iyong kapalaran, na kung sakaling bigyan ka ng magandang pagkakataong makapag-abroad, pilitin mong magtipid at magsinop ng bawat salapi o bawat sentimo na iyong mahahawakan. 

  4. Sa ganyang paraan, hindi ka gasta nang gasta, at bili nang bili ng kung anu-ano’ng bagay na hindi mo naman talaga kailangan, mas mabilis kang uunlad, at makakaipon ng sapat na salapi upang madali mong mapaunlad ang sarili mong kabuhayan.


MGA DAPAT GAWIN


  1. Ang pag-a-abroad ay paunang hakbang lamang upang maiahon mo sa kahirapan ang iyong pamilya, pero ang ikalawang mas kailangan o mas mahalagang hakbang ay dapat matutunan mong sinupin ang bawat sentimo o bawat piso o bawat dollar na iyong kikitain sa ibang bansa.

  2. Sa ganyang paraan lamang, kapag natapos na ang iyong kontrata sa abroad, dahil naging masinop ka sa buhay, hindi ka matutulad sa mga OFW na wala ring nangyari sa kanilang kabuhayan.

  3. Habang ayon sa iyong mga datos, Jonnalyn, nakatakda na ang magaganap sa taon ding ito ng 2024, sa buwan ng Oktubre o Nobyembre, sa edad mong 34 pataas, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa ang itatala sa iyong kapalaran.


0 comments

Komentar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page