top of page
Search
  • BULGAR

Pangarap mag-endorse ng brief, natupad na… SIGAW NI JOSEPH MARCO: PINAYAGAN NA PO AKO NG PARENTS KO

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | December 20, 2022




Sa preskon ni Joseph Marco na bagong Hanford endorser ay solong natanong itey ni yours truly kung bakit tinanggap niya ang endorsement ng nasabing brand of brief at iba pang Hanford undergarment products?


Ang ngiting-ngiti niyang sagot ay… "Bakit naman po hindi? You know, Hanford, when I was young, nakikita ko na 'yang Hanford sa mga billboards with picture ng kanilang endorsers noon at kapag nakikita ko, sinasabi ko sa sarili ko.... what if one day I'm gonna be that guy in Hanford billboards at eto na nga po, dumating na ang pagkakataon at opportunity sa akin.


"So... yeah, I'm gonna grab it. I said to myself, I am just so excited na maging Hanford endorser."


Tinanong namin si Joseph kung komportable siya sa pagsusuot ng Hanford briefs?


"Yeah, I think I'm so very comfortable sa pagsusuot ng Hanford briefs at iba pa nilang products.


Lalo na at pinayagan naman ako ng parents ko."


"So, Hanford briefs ang gamit mo everyday?" paniniyak na tanong namin sa kanya.


"Yeah...yeah...opo," sagot naman nito with beautiful smiles.


"Ano ang maipapayo mo sa mga katulad mong artista at iba pang kabataan or sa iba pang mga lalaki na tulad mo? Kailangan din ba nilang gumamit ng Hanford brief para maging komportable at maiwasan ang prostate cancer?


"Hanford briefs at iba pa nilang products? Yeah, dapat gumamit sila and I think they should explore kasi Hanford brand is such a good brand especially it is a Filipino brand and it's important to us Filipinos to support our local brands especially Hanford.


"So I think, they should explore and they should try Hanford brands 'coz it's a very good quality and very affordable. They should try all kinds of Hanford products at hindi sila magsisisi," ang mahabang esplika nitong si Joseph Marco sa solo interview namin sa kanya sa Hanford preskon kamakailan lamang.


Well, sana lang, meron ding Hanford panties and bra para safe na safe ang aking sex organ at boobs, lalo na kung kukunin nila si yours truly na endorser... charrr and no charrr, hahaha!


And take note, ang pogi at ganda ng wankatitat nitong si Joseph Marco in person, sa true lang, ha?


Ayaw lang niyang alisin ang kanyang shades kaya tatlo na kami nina Randy Santiago ang laging naka-shades sa mundo ng PH showbiz. Boom, 'yun na!


1 comment

1 Comment


Rolando Jr. Antonio
Rolando Jr. Antonio
Dec 21, 2022

Legal age n sya. Bakit Kailangan magpaalam sa magulang nya? Lalake nman yan.

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page