ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | February 6, 2021
Dear Doc. Shane,
Madalas akong nakararanas ng pangangalay at pananakit ng mga binti lalo na kapag nasobrahan ng lakad o pag-akyat-baba sa hagdan. Diabetic ako kaya naiisip ko na baka dahil ito sa sakit ko. Ano kaya sanhi nito? – Francis
Sagot
Ito ay isa sa pinakakaraniwang sintomas ng tinatawag na peripheral artery disease (PAD). Ipinaliwanag ng cardiologist at vascular medicine expert na isa ito sa mga sakit na nararasan ng pasyente kung may bara sa daluyan ng dugo at madalas sa binti.
Posibleng dahan-dahan o chronic ang pagkakaroon ng PAD o kung tawagin ay acute limb ischemia.
Samantala, mayroon namang tila nagkaroon ng atake sa paa kung saan biglaang mararanasan ang PAD. Mas mahirap nang maagapan kapag biglaan ang pagbabara sa daluyan ng dugo sa katawan ng pasyente. Ang ilan sa unang mararanasan ng pasyenteng may PAD ay pagsakit ng laman ng binti habang kumikilos.
Kung ang pagbara ay nasa bandang itaas ng binti, maaaring sumakit ang bahagi ng puwitan. Kung bandang ibaba naman, maaaring tamaan nito ang calf muscles.
Kapag lumala na ito, maaaring kahit habang nagpapahinga ay sumasakit na ang binti o bahagi ng katawan na apektado ng PAD.
Marami sa mga may sakit sa puso ang may PAD dahil naaapektuhan nito ang daluyan ng dugo.
Bukod sa hindi naghihilom agad ang sugat sakaling tamaan ito ng impeksiyon ay lumalala pa ito dahil kakalat sa katawan.
Isa rin ito sa pinakalaganap na kalagayan ng mga pasyenteng may diabetes.
Pag mayroon kasing diabetes lalo ang mga hindi controlled, prone magkaroon ng atherosclerosis kasi nagkakaroon na ng damage ang kanilang arteries kaya ang mga ugat kaya hindi lang prone magkaroon ng PAD kundi maaaring maging sanhi ng stroke at sakit sa puso o heart attack.
Kaya ipinapayo na kapag may bara sa daluyan ng dugo ay isangguni na ito sa doktor.
Para sa mga biglaang pagkakaroon ng PAD, kailangang matanggal agad ang bara para hindi na putulan ng binti. Dahil kapag natagalang nawalan ng oxygen ang mga muscle at tissue sa paa, hindi na ito gagaling at magga-gangrene ito ng mabilis.
Kung dahan-dahan naman ang pagkakaroon ng PAD, maaaring idaan ito sa pag-eehersisyo para tumubo ang collateral arteries na tutulong sa pagdaloy ng dugo.
Comments