ni Janiz Navida @Showbiz Special | Dec. 22, 2024
Photo: Yen Santos at Paolo Contis - IG
Nagkabalikan kaya sina Paolo Contis at Yen Santos?
May umiikot kasing kuwento na nanganak na raw si Yen last month lang sa baby nila ni Paolo, gayung ang tanda namin ay may ilang buwan (o baka nga isang taon na?) nang hiwalay ang dalawa.
Year 2021 nang unang mapabalitang buntis si Yen kay Paolo nu'ng makita silang nagbakasyon sa Boracay na medyo malaki ang tiyan ng aktres sa suot na loose polo.
Parang nakakapagtaka lang na kung kelan napabalitang break na sila at after 3 yrs. mula nang matsismis na buntis ay ngayon lang nanganak si Yen?! ‘Kalerkey, devah?!
Pero ang mas nakakalokah pang chika ng ilang netizens na pinagpipiyestahan nila sa socmed ay hindi naman daw ito ang first time na nanganak ang aktres, dahil may panganay na diumano ito courtesy ng isang dating rich politician na naugnay sa kanya ilang taon na ang nakararaan.
Well, ‘di natin masisisi ang mga Marites na mag-isip at magduda na baka nabuntis nga si Yen dahil matagal na rin siyang nagpahinga sa showbiz.
Kaya mas maganda sigurong siya na mismo ang magsalita para mabigyang-linaw na ang isyung ‘yan.
Komedyante, may ibubuga pala…
VIC, NAKIPAGSABAYAN KAY CRISTINE SA DRAMA
Grabe ang suporta kay Bossing Vic Sotto ng kanyang pamilya, all-out na dumating si Sen. Tito at ang mga anak na sina MTRCB Chair Lala Sotto, Ciara Sotto at Gian Sotto, isa pang kapatid na si Val Sotto, mag-inang Pauleen Luna-Sotto at Tali, mga anak na sina Danica, Oyo at Pasig Mayor Vico Sotto sa premiere night ng The Kingdom, ang 50th Metro Manila Film Festival entry nila ni Piolo Pascual na mapapanood na sa Dec. 25.
Sa side naman ni Piolo, nakita namin si Iñigo Pascual at nagyakap ang mag-ama nang magkita sa loob ng sinehan.
Dumating din si Comedy Queen Ai Ai delas Alas na nakasabay pa namin sa elevator habang game na game sa fans sa pagpapa-selfie mula sa elevator hanggang sa pagrampa sa red carpet.
Nakita rin namin si Ara Mina kasama ang anak na si Amanda at pamangkin kay Cristine Reyes na si Amarah bilang suporta sa younger sister na gumaganap na anak ni Lakan Makisig (Vic) na si Matimyas).
Of course, nandu'n din sina Marco Gumabao at Dominic Roque bilang suporta naman kina Cristine at Sue Ramirez respectively. In fairness, ‘di sila umagaw ng eksena sa red-carpet dahil ‘di sila sumabay sa kani-kanilang dyowa sa pagpasok sa sinehan.
Nag-motor lang daw si Dominic kaya pawisan itong lumakad sa red carpet kasama ni Marco at mukhang pumayat ngayon si Dom kesa nu'ng sila pa ni Bea Alonzo ang magdyowa.
Dumating din si Mr. Manny V. Pangilinan ng TV5 at MQuest Ventures, Inc. bilang co-producer ng M-ZET TV Productions ni Bossing Vic at APT Entertainment ng mga Tuviera.
Niyakap pa ni MVP si Bossing after watching the film. May cameo rin sa The Kingdom ang may-ari ng TV5, at uso na yata talaga ‘yan.
Solo namang dumating ang kakakasal lang na si Jose Manalo para suportahan si Bossing Vic.
Kumpleto siyempre ang buong cast ng movie sa pangunguna nina Bossing Vic, Papa P. Piolo Pascual, Sid Lucero, Cristine Reyes, Sue Ramirez, Cedrick Juan at iba pa, maging ang direktor na si Mike Tuviera.
Tiyak na maninibago ang mga manonood na sanay na nagpapatawa si Vic dahil seryoso siya rito sa kabuuan ng pelikula, istrikto at mukhang masungit.
Hindi namin sukat-akalain na mapapaiyak kami ni Bossing sa eksena nila ni Cristine. In fairness, hindi man hysterical acting si Bossing Vic bilang dramatic actor, may suntok sa puso ang sagutan nila ni Cristine na tiyak na makaka-relate lalo na ang mga anak na naghahanap ng pagmamahal ng ama.
Habang si Piolo naman, ramdam talaga naming iniwan na ang pagiging heartthrob dahil tapos na siya sa stage na kaguwapuhan ang puhunan niya. Sa The Kingdom, kahit ang dungis ng hitsura niya, mamahalin mo pa rin siya dahil sa galing niyang umarte at pasado na ring action star.
Gandang-ganda naman kami kay Sue na parang Hollywood actress ang datingan. Pansin lang namin na parang ilang beses tumagal sa dibdib niya ang kuha ng camera, we wonder tuloy kung part kaya ng script ‘yun?
Acting wise, walang nagpakabog kina Cristine at Sue sa kani-kanilang eksena.
Medyo maikli ang role nina Sid at last year's MMFF Best Actor Cedrick Juan pero markado pa rin naman.
Medyo dragging sa simula ng movie pero ilang beses pinalakpakan ang ilang eksena, na dapat panoorin ng mga fans at moviegoers para malaman kung aling part du'n ang umani ng palakpakan ng manonood.
Showing na ang The Kingdom on Dec. 25 as part of the 50th MMFF.
Balik-‘Pinas ang Pinay pero American-based singer na si Ms. Rozz Daniels at dito raw sila magpa-Pasko ng kanyang asawa ngayong taon.
Minsan nang umingay ang pangalan ni Ms. Rozz nang magsampa siya ng kaso sa dating singer na si Ms. Ivy Violan na nangako raw na tutulong para sa kanyang debut album na mai-release rito sa ‘Pinas, pero wala ngang nangyari kahit ginastusan na ito nang malaki ni Ms. Rozz kaya idinemanda niya ito.
Hiningan namin ng update si Ms. Rozz nang magpa-Christmas party siya with the press recently sa Music Box tungkol dito at aniya, forgive and forget na lang kahit pa hindi pumabor sa kanya ang desisyon ng US court dahil sa issue ng jurisdiction.
Ayaw na raw niya ng stress kaya ‘di na siya umapela pa. Lesson learned na lang daw ito sa kanya na mas mag-ingat next time.
Sa ngayon, balak niyang i-pursue ang singing career sa ‘Pinas at this 2025, gagawa raw siya ng revival ng kanta ni Renz Verano.
Dahil husky ang boses ni Ms. Rozz, bagay sa kanya ang mag-revive ng song ni Renz dahil pareho silang husky voice.
Dream naman daw niyang maka-collab ang Concert King na si Martin Nievera.
Well, good luck, Ms. Rozz Daniels and abang-abang na lang tayo ‘pag na-release na ang revival niya ng kanta ni Renz Verano.
Comments