top of page
Search
BULGAR

Pangakong taas sahod sa gov't employees, natupad din

ni Bong Revilla @Anak ng Teteng | August 9, 2024


Anak ng Teteng ni Bong Revilla Jr.


Isang pagsaludo ang iniaalay natin kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. (PBBM) makaraang mag-isyu ito ng Executive Order (EO) No. 64 na naglalayong itaas ang suweldo at benepisyo ng mga manggagawa ng pamahalaan.


Maraming government employees ang natuwa dahil bukod sa napapanahon ay tinupad ni PBBM ang pangako niya noong SONA sa mga kawani ng gobyerno na itataas ang kanilang mga sahod at magbibigay ng dagdag-benepisyo. Alam niya ang sitwasyon at sakripisyo ng mga masisipag na empleyado ng ating pamahalaan. Kaya trinabaho talaga niya na maipagkaloob ito ng agaran.


Kaya ngayon ay pinaaalalahanan naman natin ang mga opisyal ng Department of Budget and Management (DBM) na paspasan ang guidelines sa umento sa sahod ng mga empleyado ng gobyerno dahil nilagdaan na ni PBBM ang EO 64.


Dapat na seryosong tutukan ito ng DBM officials dahil sa  oras na maimplementa na ang salary increase, magiging retroactive ito o magkakaroon ng back pay ang mga empleyado ng gobyerno.


Ang computation para sa initial tranche natin ay retroactive to January 1, 2024, so merong salary differential or back pay.


Base sa nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong August 2, 2024 sa pamamagitan ng awtorisasyon ng Presidente, ang EO 64 ay agad magkakabisa oras na mailathala sa Official Gazette o sa mga pahayagan na may general circulation.


Hindi lang sa 2024 ipatutupad ang dagdag-sahod dahil ang ikalawang tranche sa 2025 ay aprubado na rin.


Nakakatuwa nga dahil ang salary increase ay napondohan na hindi lang para sa 2024, maging para sa 2025 ay napondohan na rin. Secured na ang increase para sa taong ito, gayundin next year.


Ipatutupad ang second tranche sa susunod na taon, kaya tinututukan natin ang DBM dahil mayroon na silang P70 bilyon sa ilalim ng FY 2025 Miscellaneous Personnel Benefits Fund na pangbitaw sa additional cost requirements para sa first at second tranches na epektibo sa Enero 1, 2025.


Ang budget para sa unang tranche ay tinatayang aabot sa P36 bilyon. Huhugutin ito sa FY 2024 General Appropriations Act (GAA), partikular sa MPBF — kaya plantsado na.

Alinsunod sa EO 64, ang salary adjustment ay sakop ang lahat ng civilian government personnel sa executive, legislative, judicial branches, constitutional commission at iba pang constitutional offices. Ang government-owned or controlled corporations (GOCCs) ay hindi sakop, sa ilalim ng RA 10149 at EO 150 s. 2021. At local government employees, maging ito ay nasa appointment status, kahit regular, contractual or casual, appointive o elective, at kung isang full-time o part-time basis.


Bukod sa updated salary schedule ng government workforce ay tatanggap din sila ng taunang medical allowance na nagkakahalaga ng hindi hihigit sa P7,000 simula sa FY 2025 bilang subsidiya para sa kanilang pakinabang sa health maintenance organization (HMO)-type benefit.


Ang naturang executive order ay ipatutupad sa apat na bahagi na magsisimula sa Enero 1, 2024 para sa unang bahagi, Enero 1, 2025 para sa ikalawa at sa ikatlong pagkakataon ay sa Enero 1, 2026 at para naman sa ikaapat ay sa Enero 1, 2027.


Bilang chairperson ng Senate Committee on Civil Service, Government Reorganization and Professional Regulation ay sobra talaga nating ikinatutuwa itong bagong issuance ng Pangulo. The civil servants are the backbone of government service. Without them, we can achieve nothing. Kaya nararapat lang na mabiyayaan sila ng umento sa sahod para pasalamatan at bigyang halaga ang serbisyo at sakripisyo nila sa bayan.


Noong nakaraang taon pa lang ay nauna na tayo na naghain ng panukala para sa Salary Standardization VI upang itaas ang sahod ng ating mga kawani. Tayo mismo ay nakipagpulong sa DBM para rito. But we are very happy now that it is no less than the President that has authorized this long anticipated hike on the salaries of government employees. 


Kay PBBM, maraming-maraming salamat sa pagkilos ninyo. Ito ay isang kapuri-puring hakbangin para sa kapakanan ng mga manggagawa ng pamahalaan. Isang pagsaludo ang handog sa inyo ng ating mga kababayang mabibiyayaan ng dagdag-sahod na ito.


Kya sana naman sa mga opisyal ng DBM, agarang tapusin ang guidelines sa umento sa suweldo ng mga empleyado ng gobyerno — pirmado na ni PBBM ang EO 64 — sana huwag namang pakaang-kaang.


Anak Ng Teteng!


May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa ANAK NG TETENG! ni BONG REVILLA sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa anak­ng­teteng.bulgar@ gmail.com

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page