ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | January 5, 2024
KATANUNGAN
May boyfriend ako ngayon. Nagbago siya matapos na may mangyari sa amin at nang natuklasan niya ang nakaraan ko. Sabi niya dati, pakakasalan niya umano ako at hinding-hindi iiwan. Pero ngayon, dalawang buwan na siyang hindi nagpapakita mula nang huli kaming mag-date at hindi ko alam kung ano’ng rason niya.
Nagtataka ako kasi hindi rin niya sinasagot ang mga text at call ko. Sarado na rin ang Facebook account niya.
Nahihirapan na ako sa sitwasyon namin, kaya gusto ko nang makipag-break sa kanya. Ano ba sa palagay n’yo, Maestro, dapat na ba akong makipag-break kasi madalang na lang din kaming magkita? Sana ay matulungan n’yo ako.
KASAGUTAN
Kaya nga tayo nakikipagrelasyon para sumaya at lumigaya. Pero, kung malungkot ka naman dahil hindi na nagpapakita ang boyfriend mo at hindi rin sumasagot sa tawag mo, masasabing tama lang ang nasa isip mo na makipag-break ka na sa kanya para nawala ka na rin sa buhay niya. Kung mahal ka talaga niya, malalaman at mararamdaman din niya sa wakas ang tunay mong halaga.
Kaya lang, iba ang nakasulat sa palad mo na kung saan sinasabing hindi kayo maghihiwalay ng boyfriend mo. Ito ang nais sabihin ng maganda at matatag na ikalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow a.), na sinuportahan din ng maayos at magandang Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad na nagsasabing kapag nag-usap kayo, tiyak ang magaganap hindi matatapos ang buwan ng Enero bago mag-Pebrero, abot na abot sa Valentine’s Day, muli kayong magkakasundo, kasabay nito unti-unti namang iinit at lalo pang sasarap ang inyong pagmamahalan.
DAPAT GAWIN
Ayon sa iyong mga datos, Anika, once na makapag-usap kayo ng boyfriend mo, tiyak na ang magaganap sa buwan ding ito ng Enero, walang duda, magkakasunod na uli kayo, upang minsan pa, muling mag-init ang inyong malamig na relasyon hanggang sa tuluyang maganap ang nakatakda na kayo na nga ang magkakatuluyan at habambuhay na magsasama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya.
Comments