ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | January 18, 2022

Labis kaming naiintriga sa singer-rapper-composer-vlogger na si Donnalyn Bartolome dahil sa balitang na-scam at inutangan siya ng malaking halaga ng isang taong hindi naman niya naging kaibigan.
Isang malapit na friend lang daw ang nagpakilala kay Donnalyn ng taong nanloko sa kanya.
Nanghiram daw sa kanya ang taong 'yun ng P1 M cash na gagamitin bilang show money sa bangko para sa car loan.
Dahil sa sobrang tiwala, kahit hindi naman niya gaanong kilala ang guy, pinahiram ito ni Donnalyn ng P1 million dahil sa pangakong ibabalik agad kinabukasan ang pera.
Pero 'yun ang pangakong hindi na natupad dahil kung anu-anong alibi na lang ang sinasabi sa kanya ng taong kanyang pinautang.
Mula noon, hindi na basta-basta nagtitiwala si Donnalyn sa mga taong hindi niya lubos na kilala. Napakamahal ng bayad sa leksiyon na kanyang natutunan.
Samantala, curious din kaming malaman kung magkano ang kinikita ni Donnalyn Bartolome sa kanyang YouTube channel. May 5 million subscribers na siya ngayon sa YT.
At nakakatuwa na may ilang vloggers na madalas banggitin ang pangalan ni Donnalyn dahil gustong gayahin ang kanyang ginawa noong mag-stay sa world-class hotel na Okada.
Sobrang mahal daw sa Okada dahil ang pinakamurang room ay P17 thousand a night! Maging ang buffet ng Okada ay P2,700 per head!
Pero sina Dra. Vicki Belo at Ivana Alawi ay naka-afford na mag-stay sa biggest villa ng Okada na ang renta ay P1 M a day.
Comentários