top of page
Search

Pang-lima nila ni Drew, last na raw… IYA, NANGANAK NA NG BABY GIRL

BULGAR

ni Nitz Miralles @Bida | Feb. 12, 2025





Nanganak na si Iya Villania. Baby girl ang pang-limang anak nila ni Drew Arellano, kaya hindi muna siya mapapanood na magho-host ng Chika Minute (CM) ng 24-Oras

Nakakatuwa ang post ni Iya na, “Got to the hospital at 10 AM, 10:52 AM baby out!!” at “She’s here!!! And wow, what a delivery!”


Agad ipinost ni Drew ang mga photos ni Iya at ng baby girl nila na pinangalanan nilang Anya Love Villania-Arellano.


Sa photo ng baby with Iya, humikab ito at nagbukas ng mata na ikinatuwa ng mga kaibigan at followers ng mag-asawa sa Instagram (IG).


Ang dami agad nagmamahal kay Baby Anya, at marami ang nag-welcome sa kanya. 

Ang Anya pala ay combination ng name nina Drew at Iya. Ang “An” ay galing sa Andrew na full name ni Drew at ang "Ya” ay galing sa Iya.


Naalala naming binanggit ni Iya sa isang interview na last baby na nila si Anya, pero kung masusundan pa, walang problema dahil pareho silang may trabaho at may sarili nang bahay. 


Ang ganda nga ng bahay ng mag-asawa, may sariling playground, hindi na kailangan ng mga bata na magpunta sa park. 


 

ISA sa mga itinanong ni Boy Abunda sa interview niya kay Ashley Ortega sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) ay kung kumusta sila ni Kyline Alcantara, ang ex-GF ni Mavy Legaspi na boyfriend ngayon ni Ashley.


“No bad blood between me and Kyline. We’re together sa All-Out Sundays (AOS) (last February 9), we’re okay. Nag-hi and hello kami. We’re okay, we’re good naman,” sagot ni Ashley.


Ang mga fans ang hindi okay sa pag-amin at pagkumpirma ni Ashley na sila na ni Mavy. Dapat daw lalaki ang umaamin, bagay na kinontra ng mga netizens dahil 2025 na raw ngayon at kung sino ang unang tinanong sa couple, ‘yun ang aamin. 

Nataon na si Ashley ang ininterbyu, kaya siya ang umamin.


Inisyu naman ng iba ang age gap nina Ashley at Mavy, na actually, two years lang. Si Ashley ay 26 years old at si Mavy ay 24 years old, pero kung hindi isyu sa dalawa ang bagay na ito, bakit ginagawang isyu ng wala namang kinalaman sa kanilang relasyon?


May pahayag nga si Ashley sa age gap nila ni Mavy. Sabi nito, “I thought before, hindi n’ya ma-match ‘yung maturity ko. Kasi ano, eh, he’s younger than me. He’s three years younger than me. Parang in our relationship, parang ako nga ‘yung pabebe girl. He takes care of me.”


Magse-celebrate raw ng kanilang first Valentine’s Day sina Ashley at Mavy sa isang restaurant. First time pala ni Ashley na magkaroon ng Valentine’s Day date dahil lagi raw may sablay sa past relationship niya ang Valentine’s Day.


May mga nagtanong naman kung kumusta si Ashley sa parents ni Mavy, lalo na si Carmina Villarroel? Ang natatandaan namin, magkasama sila sa Widows’ War (WW) kaya magkakilala na sila. Saka, nakasama ni Ashley Ortega ang pamilya ng boyfriend sa Christmas dinner last year.


 

SA March 9, Sunday, na ang premiere ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCE) at mapapanood si Gabbi Garcia co-hosting the show with Robi Domingo and Bianca Gonzalez. 


Dito makikita kung tama ang comment ng mga bashers ni Gabbi na hindi siya bagay maging host nito at tatalunin siya nina Robi at Bianca.


May ilang Kapamilya fans na ayaw manood ng PBBCE dahil sa GMA-7 ang airing at may nag-comment na sana, last collab na ito ng ABS-CBN at GMA dahil iba pa rin daw kung sa ABS-CBN ito eere. 


Kaya lang, kapag naging successful ang nasabing edition, siguradong masusundan pa ang collab na ito.


In fairness, hindi lang Kapamilya fans ang ayaw sa collab na ito ng PBB, may ilang Kapuso viewers din na ayaw at sinagot pa nga ang post ng GMA Network na, “If this doesn’t top all of TV History, I don’t know what will. Taas-kamay ng mga excited na para sa pinakamaningning na pagsisimula sa loob ng Bahay ni Kuya.”


Sagot ng Kapuso viewer, “As a Kapuso, I will say this: this will not top all TV history... No. We’re not excited.”


May nag-comment pa na masaya at exciting ang PBB Collab, kaya lang, magiging boring dahil sa network wars sa social media. Totoo ito dahil nag-aaway-away na naman ang Kapamilya at Kapuso fans dahil sa PBB Collab. Lagi silang may problema at reklamo, hindi na lang maging masaya at sumuporta at kung ayaw, ‘wag manood.


1 comment

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page