top of page
Search
BULGAR

Pang-apat na anak ng mag-asawang atat makumpleto ang pamilya, baby boy na

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | April 11, 2022




KATANUNGAN

  1. May dalawang babaeng anak na kami ng misis ko pero wala pang lalaki. Naisip kong ipabasa ang guhit ng aking palad, kung sakaling subukan naming magkaanak ulit, magiging boy na ba ang ikatlo naming baby?

  2. Gustong-gusto kasi naming magka-baby boy upang makumpleto at lalo pang maging masaya ang aming pamilya.


KASAGUTAN

  1. Tatlong maninipis at medyo maiikling Children Lines (Drawing A. at B. 1-C, 2-C, at 3-C. arrow a., b. at c.,) ang kapwa nababanaagan sa dalawang salalayan ng Guhit ng Supling sa kaliwa at kanang palad n’yong mag-asawa. Ibig sabihin, posibleng tatlo ang inyong magiging anak, na kinumpirma ng destiny number mong 9.

  2. Ang mga taong may destiny number na 9, nagkataong significant number nila ang numero na tinatawag na series of 3-6-9, kaya tulad ng nasabi na, tatlo ang inyong magiging anak. Ang problema lang, dahil medyo manipis at maikli ang ikatlong Guhit ng Supling (3-C arrow c.), malaki ang posibilidad na sa ikatlong paglilihi o pagbubuntis ng iyong misis, baby girl ulit ang kanyang isisilang.

  3. Ngunit kapansin-pansing makapal ang Guhit ng Sanggol na nasa ikaapat na bilang sa kaliwa at kanang palad ni misis (arrow d). Ibig sabihin, matapos n’yong magkaroon ng tatlong sunod-sunod na babae, malaki ang posibilidad na sa ikaapat na pagbubuntis, isang malusog na baby boy na ang kasunod.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Arnel, ayon sa inyong mga datos, puwede pa kayong gumawa ng ikatlong baby dahil sa edad mong 34 at 30 si misis, masasabing bata pa kayo. Ngunit ‘wag n’yong kalimutan ang nabanggit na posibleng baby girl ulit ang magsisilbing bunga ng inyong pagmamahalan, na nakatakdang mangyari sa susunod na taong 2023 hanggang 2024.

  2. Kung sakaling babae ulit ang pangatlo n’yong anak, ang isa pang puwedeng solusyon, kung gugustuhin o mapagkakasunduan n’yong mag-asawa na magkaroon ng isa pang anak sa taong 2026 hanggang 2027, tiyak ang magaganap – ang bunso n’yo ay tiyak na isa nang baby boy.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page