ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | July 8, 2020
Ang gumamela.
Nakatala sa ating sa Philippine flower history na gumamela ang pinakasikat sa lahat ng mga bulaklak at mula noon hanggang ngayon, kilala ito ng mga Pinoy.
Hindi lang ang bulaklak ng gumamela ang sumikat dahil ang mismong halaman nito ay natagpuang ginagamit na pambakod sa mga bakuran. Noong nagdatingan ang mga Amerikano na may mga dalang materyal na pambakod sa kanilang barracks at tirahan, humanga sila sa mga Pinoy dahil ang bakod natin ay gumamela plants.
Pero ang talagang nagdala sa gumamela sa tugatog ng kasikatan ay ang nakaugaliang maglagay ng mga dalaga ng bulaklak ng gumamela sa kanilang tainga. Dahil sa bulaklak nito, nalalantad ang kanilang kagandahan at lumalakas din ang kanilang pang-akit sa kalalakihan.
Gayunman, hindi lang sa ganyang paraan nakilala ang gumamela dahil ang lahat ng Pinoy ay kilala ito bilang halamang gamot. Ito ang numero-unong inilalagay sa pigsa.
Dito rin sa katangiang ito, nagulat ang mga doktor na Amerikano dahil sila na bihasa sa langaran ng medisina ay hinahayaan lang na mahinog ang pigsa bago operahan. Samantala, ikinagulat nila na ang mga Pinoy ay nagtatapal ng gumamela sa pigsa para mapabilis ang paglabas ng mga nana o mikrobyo mula rito.
Hanggang ngayon, nakasulat sa mga tala ng foreigners ang kakaibang galing at husay ng mga Pinoy sa tradisyunal na paraan, kaya hindi nakapagtatakang napakaraming dayuhan na pumupunta rito sa ‘Pinas para lang subukan ang ating tradisyunal na paraan ng panggagamot.
Pigsa lang ba ang nagagamot ng gumamela? Wait, there’s more! Ginagamit din ang gumamela bilang herbal medicine na:
Expectorant
Diuretic
Emollient
Anti-infectious
Anti-inflammatory
Antipyretic
Anodyne
Refrigerant
Ito rin ay ginagamit bilang gamot sa mga sumusunod na karamdaman:
Bronchitis
Ubo, sore throat
Lagnat
Treats dysentery
Urinary tract infection (UTI) at bladder infections
High blood pressure
Prevention of constipation
Sakit ng ulo
Boils, swelling & abscesses, mumps
Narito naman ang mga paraan ng paggamit:
Decoction o pagpapakulo ng tubig na may gumamela bilang gamot sa bronchitis, lagnat, ubo, UTI, high blood pressure, constipation at dysentery.
Poultice, pagdurog o pagdikdik sa gumamela saka ipapahid sa apektadong parte ng katawan. Halimbawa, kapag masakit ang ulo, maaari itong ipahid sa noo, puwede rin sa boils, swelling, abscesses and mumps.
Para sa mumps at UTI, pakuluan ang 15 hanggang 30 grams ng pinatuyong gumamela saka inumin.
Para abscesses, carbuncles at boils, durugin ang mga dahon ng gumamela at itapal sa apektadong bahagi ng katawan. Puwede ring durugin ang flower buds at gawing paste saka ipahid sa namamagang parte ng katawan, gayundin, ginagamit ito sa cancerous swellings and mumps.
Ang katas ng ugat, bark, dahon at bulaklak ay puwedeng maging moisturizer.
Ang katas naman ng ugat ng pula at puting gumamela ay ginagamit bilang antidote sa lason.
Ang bark ng gumamela ay emmenagogue o ginagamit para maging normal ang regla ng babae.
Para sa stimulant at cramps, mabisa naman ang buto nito.
Ang mga dahon nito ay mabisang panunaw.
Mucilage sa pagle-labor.
Ang mga pulang bulaklak ay panunaw at kapag ininom kasama ang papaya seeds, maaari itong maging abortive.
Ang pagbabad ng gumamela sa tubig, alcohol o langis ay expetorant sa bronchitis.
Ginagamit din ito bilang stimulant kung saan ang langis ay inihahalo sa katas ng petals.
Pinag-iingat ang kababaihan na madalas uminom ng katas ng gumamela dahil ito ay may epekto bilang malakas na abortifacient.
Sa modernong panahon, sumisikat na sa maraming bansa lalo na sa Asia, Middle East at ilang bansa sa Europe at North America ang gumamela tea dahil mas mahusay ito kaysa sa ibang tsaa na nagpaparelaks ng isipan at katawan.
Good luck!
Comments