top of page

Pang-11 korona sa CCS o first All-Filipino title sa Angels?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 days ago
  • 2 min read

ni Gerard Arce @Sports News | Apr. 12, 2025



Photo File: Creamline vs Petro Gazz - PVL


Mga laro ngayon (Philsports Arena)

Game 3: Best-of-three, Battle for Third

2:30 n.h. – Akari vs Choco Mucho

Game 3: Best of three Finals: Winner-take-all

7:00 n.g. – Creamline vs Petro Gazz 


Isang laro na lang ang kailangan ng parehong defending champions Creamline Cool Smashers at mahigpit na karibal na Petro Gazz Angels upang matuldukan ang anim na buwang hatawan sa Game 3 na winner-take-all championship series, maging ang grudge match para sa bronze medal ng Choco Mucho Flying Titans at Akari Chargers sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference sa Philsports Arena. 


Tatapusin ng CCS at Angels ang matinding sigalot na kapwa na umabot sa 5th set sa Game 1 at Game 2 sa main game, habang mas maagang bakbakan para sa 3rd place ang Flying Titans at Power Chargers. 


Hahanapin ng CCS ang ika-11 korona sa komperensiya, habang asam ng Angels ang kauna-unahang titulo sa AFC matapos makubra ang dalawang korona sa Reinforced Conference.


Hindi na bago para sa CCS ang tagpo na nakuha ang kauna-unahang makasaysayang Grand Slam season noong isang taon. “Siguro lesson din talaga sa amin ‘yung fifth set noong nakaraan. Kasi pinush namin eh na hanggang fifth set pero hindi namin nakuha,” pahayag ni Pons. 


Hawak ng CCS ang malalim na karanasan sa ilalim ni coach Sherwin Meneses. Hindi nagawang magpatinag ng team sa mga nakukuhang pagkakamali, laban sa delikadong Angels, higit na kay dating MVP Brooke Van Sickle. “Kapag nagkakamali kami, let go agad at focus kami sa next na gagawin namin. So sobrang nakatulong din sa team,” saad ng dating FEU Lady Tamaraws star at 2-time SEA Games bronze medalist.


Hindi naman patitinag ang Angels na dalawang beses tinatalo ang CCS ngayong season sa pangunguna ni Fil-Am Van Sickle katuwang sina 2-time Best Middle Blocker Mar Jan Phillips, 2-time league MVP Myla “Bagyong” Pablo, Jonah Sabete, playmakers Chie Saet at Djanel Cheng.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page