ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 4, 2022

Wala pa ring tuwirang pag-amin mula sa rumored celebrity couple na sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.
Kamakailan ay humarap sa press people ang rumored couple para sa pelikulang Ngayon Kaya.
Panay ang tuksuhan nila pero ayaw namang umaming may relasyon na.
Tulad na lang nang sabihin ni Janine na sa kissing scene nila ay minamali-mali ni Paulo para raw maulit.
Sabi naman ni Paulo na natatawa, kailangan daw kasi ay itama ang kissing scene.
Kahit na tinutukso sila sa isa't isa ay okey lang daw dahil may susunod silang series na gagawin. Mabuti nga raw 'yun na napag-uusapan silang dalawa.
Ayon naman sa mga netizens ay nauumay na sila sa pagpapabebe ng celebrity couple.
"Dami na namang eme pabebe," komento ng isa.
May ayaw namang maniwala na seryoso si Paulo sa aktres kahit ipinakilala na niya ang anak na si Aki kay Janine nu'ng nag-US concert tour sila with Ogie Alcasid kamakailan sa New York.
"Sorry Janine, pero Paulo is not into you. 'Wag umasa."
"Trying hard ibenta ang movie, jusko. Next time, mag-reality show na lang kayo ng life n'yo, mukhang 'yun ang gusto n'yong ibenta sa tao."
"'Yung timbre and lalim ng boses ni Paulo, lakas makalaglag-underwear."
"Ang sarap hulihin ni Janine pero alam at halatang-halata na sila na talaga ni Paulo."
"Sa totoo lang, maganda ang trailer ng Ngayon Kaya."
コメント