top of page
Search
  • BULGAR

Pananagutan ng menor-de-edad sa krimen

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 27, 2024



Magtanong kay Attorney ni Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta, 


Nabangga ang aking asawa ng sasakyan na minamaneho ng isang 13-anyos na menor-de-edad noong nakaraang buwan. Nagtamo ang asawa ko ng malubhang mga pinsala at siya ay nasa ospital pa rin hanggang ngayon. Kinakabahan ako sa laki ng magiging bayarin namin sa ospital dulot ng mga operasyon at gamot na kinakailangan niya. May makukuha ba akong danyos na pambayad sa ospital kahit na menor-de-edad ang nakabangga sa asawa ko? – Rosita


 

Dear Rosita,


Hindi magkakaroon ng kriminal na pananagutan ang isang menor-de-edad na 15-taong gulang at pababa, na nakagawa ng krimen. Ngunit, maaari pa ring managot ang menor-de-edad na iyon sa tinatawag na civil liability sang-ayon sa batas. Ito ay alinsunod sa Section 6 ng Republic Act (R.A.) No. 9344 o “Juvenile Justice and Welfare Act of 2006”, na nag-amyenda sa age of criminal responsibility na nakasaad sa Revised Penal Code. Ayon sa RA No. 9344:


“A child fifteen (15) years of age or under at the time of the commission of the offense shall be exempt from criminal liability. However, the child shall be subjected to an intervention program pursuant to Section 20 of this Act.


The exemption from criminal liability herein established does not include exemption from civil liability, which shall be enforced in accordance with existing laws.”


Sa kasong CICL vs. People, G.R. No. 237334, 14 August 2019, ipinahayag ng ating Korte Suprema, sa pamamagitan ni Kagalang-galang na Kasamang Mahistrado Benjamin S. Caguioa, ang mga sumusunod:


“The civil liability imposed upon parents for the torts of their minor children living with them, may be seen to be based upon the parental authority vested by the Civil Code upon such parents.  The civil law assumes that when an unemancipated child living with its parents commits a tortious acts, the parents were negligent in the performance of their legal and natural duty closely to supervise the child who is in their custody and control. Parental liability is, in other words, anchored upon parental authority coupled with presumed parental dereliction in the discharge of the duties accompanying such authority.” 


Upang sagutin ang iyong katanungan, maaaring panagutin ang mga magulang ng menor-de-edad na nakabangga sa iyong asawa at pagbayarin sa mga nagastos o magagastos sa kanyang pagkakaospital kung mapatutunayan na sila ay naging negligent o pabaya sa kanilang tungkuling gabayan ang kanilang anak. Ipinagpapalagay ng ating batas na kapag ang menor-de-edad na naninirahan kasama ang kanyang mga magulang ay nakagawa ng isang krimen, ang mga magulang ay nagpabaya sa pagganap ng kanilang legal at likas na tungkulin.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page