ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Dec. 2, 2024
Dear Chief Acosta,
Naaksidente ang walong taong gulang na anak ko na nag-aaral sa pribadong paaralang elementarya. Ayaw panagutan ng paaralan ang mga gastusin sa nasabing insidente. Ayon sa kanila, matagal nang isinasagawa ang eksperimento sa agham na ito at hindi kailanman nagkaroon ng anumang aksidente dati. Dahil dito, sinisisi nila ang bata kung bakit siya nasaktan. Tama ba ang nabanggit nilang dahilan? — Maria
Dear Maria,
Nakasaad sa Artikulo 218 ng Executive Order No. 209 na may petsang 6 Hulyo 1987, o mas kilala sa tawag na Family Code of the Philippines, kaugnay ng Artikulo 2180 ng Republic Act (R.A.) No. 386, o mas kilala sa tawag na Civil Code of the Philippines, ang mga obligasyon at pananagutan ng paaralan at guro sa mga bata habang ito ay nasa paaralan at kanilang pangangalaga:
“Art. 218. The school, its administrators and teachers, or the individual, entity or institution engaged in child care shall have special parental authority and responsibility over the minor child while under their supervision, instruction or custody.
Authority and responsibility shall apply to all authorized activities whether inside or outside the premises of the school, entity or institution.”
“Art. 2180. The obligation imposed by Article 2176 is demandable not only for one’s own acts or omissions, but also for those of persons for whom one is responsible. xxx
Lastly, teachers or heads of establishments of arts and trades shall be liable for damages caused by their pupils and students or apprentices, so long as they remain in their custody.
The responsibility treated of in this article shall cease when the persons herein mentioned prove that they observed all the diligence of a good father of a family to prevent damage.”
Ayon sa nasabing mga batas, ang paaralan, o/at mga guro ay responsable sa menor-de-edad na bata habang nasa ilalim ng kanilang pangangasiwa, pagtuturo, o pag-iingat. Kaugnay nito, sila ay may pananagutan para sa mga pinsala na maaaring magresulta dahil sa kanilang kapabayaan, mga gawa, o kakulangan. Sa ganitong sitwasyon, nais naming bigyang-diin na ang tanging depensa ng paaralan ay kapag mapatunayan nito na sinusunod nila ang lahat ng pagsisikap at pag-iingat ng tulad sa isang mabuting ama ng isang pamilya upang maiwasan ang pinsala.
Sa sitwasyon na iyong inilahad, malinaw na habang ang iyong anak ay nasa ilalim ng pangangasiwa, pagtuturo, o pag-iingat ng paaralan, ang nasabing paaralan ay may responsibilidad na alagaan siya. Kapag napatunayan na nagkaroon ng kapabayaan o pagkukulang ang nasabing paaralan, ito ay maaaring panagutin.
Hindi rin sapat na dahilan o depensa na nakagisnan na ang nasabing eksperimento, at wala namang mga katulad na insidente sa mga nakaraan. Muli, ang depensa ng paaralan ay dapat tumutukoy sa pagkakaroon ng pag-iingat at hindi sa nakaraang mga pangyayari. Sa katunayan, sa kasong St. Joseph’s College vs. Miranda (G.R. No. 182353, June 29, 2010), sa panulat ni Honorable Associate Justice Antonio Eduardo B. Nachura, kapwa hindi tinanggap ng Korte Suprema ang katulad na depensa ng paaralan at pinanagot sa katulad na pinsalang natamo ng estudyante kaugnay sa pumalyang eksperimentong pang-agham:
“[S]chool is still liable for the wrongful acts of the teachers and employees because it had full information on the nature of dangerous science experiments but did not take affirmative steps to avert damage and injury to students. The fact that there has never been any accident in the past during the conduct of science experiments is not a justification to be complacent in just preserving the status quo and do away with creative foresight to install safety measures to protect the students. Schools should not simply install safety reminders and distribute safety instructional manuals. More importantly, schools should provide protective gears and devices to shield students from expected risks and anticipated dangers.
Ordinarily, the liability of teachers does not extend to the school or university itself, although an educational institution may be held liable under the principle of RESPONDENT SUPERIOR. It has also been held that the liability of the employer for the [tortuous] acts or negligence of its employees is primary and solidary, direct and immediate and not conditioned upon the insolvency of or prior recourse against the negligent employee.”
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.
Comments