top of page
Search
BULGAR

Panahon na para mapaunlad ang kabuhayan ng mga magsasaka’t mangingisda

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | July 29, 2022


Noong Lunes, July 25, idinaos ang pagbubukas ng ika-19 Kongreso at ang unang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.


Klaro at komprehensibo ang SONA, at binibigyang-diin ang mahahalagang isyu na kailangang tugunan ng pamahalaan.


Natutuwa tayo na ginawang top priority ang food security sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.


Magiging mahalaga rin ang inilahad niyang plano na gawing modernisado ang agrikultura sa pagresolba sa inseguridad sa pagkain at para na rin mapabuti ang antas ng pamumuhay ng ating mga magsasaka’t mangingisda na nanatiling pinakamahirap na sektor ng lipunan.


Malaki rin ang papel ng pagsulong ng sektor ng agrikultura at maging ng turismo sa paglikha ng trabaho at muling pagbangon ng bansa.


Makakaasa ang pangulo na makikipagtulungan ang Kongreso sa pagsasabatas ng kanyang legislative agenda.


☻☻☻


Tuwing SONA ay itinatampok din ang mga local fabric na ginagamit sa mga kasuotan at accessories ng mga dumadalo.


Nakatutuwa na mas marami na ang sumusuporta sa lokal na pananamit.


Personal na adbokasiya natin ang pagsuporta sa ating local clothing industry.


Mahalagang salik ito ng ating kultura’t kasaysayan na kailangang protektahan.


Makakaasa ang mga kababayan nating sa huling tatlong taon ng inyong lingkod sa Senado ay tututukan natin ang pagsulong ng mga konektadong industriya sa paglikha ng damit. Mula growers, weavers at pagbenta, maraming problema, maraming dapat ayusin at magiging katuwang tayo sa pagresolba ng mga ito.


☻☻☻


Naniniwala rin tayo na kailangang siguruhin ng Department of Education ang paggamit ng teknolohiya sa education system natin, tulad ng sa ibang bansa.


Dahil sa pandemya, napilitan tayong gumamit ng teknolohiya upang maipagpatuloy ang paghahatid ng edukasyon.


Dapat mapadali ang access ng mga mag-aaral at guro sa teknolohiya at mga gadgets na makatutulong sa kanila.


Kailangan ding matutukan ang kahinaan ng mga estudyante sa mathematics, science at reading comprehension sa harap ng mababang performance nila rito.


☻☻☻


Masalimuot ang mga isyu na konektado sa krisis sa edukasyon.


Umaasa tayong gagawing prayoridad ng bagong administrasyon ang pagtugon sa krisis at pati na rin sa mga isyung nakakabit sa muli nating pagbangon mula sa pandemya.


Nawa’y sa muling pagbubukas ng Kongreso sa susunod na Lunes kung kailan idadaos ang unang State of the Nation Address ni Pres. Ferdinand Marcos, Jr. ay ilahad niya ang mga plano para sa pagtugon sa mga problema ng bansa.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page