top of page
Search

PANAGINIP NI KRIS NA NAPUNTA KAY TONI ANG KORONA NIYA, NAGKATOTOO!

BULGAR

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | October 30, 2022




May naalalang ikuwento si Nanay Cristy Fermin sa mga viewers ng Showbiz Now Na kasama sina Romel Chika at Morly Alinio tungkol sa naging engkuwentro noon nina Kris Aquino at Toni Gonzaga nang magkita sila dati sa ABS-CBN, panahong may prangkisa pa ang network.


“Meron po akong isang anekdota, matagal na po ito (nangyari). Ito po ay isang anekdota na magpapatunay kung gaano kagaling si Toni Gonzaga.


“Minsan, nagkita sila ni Kris Aquino. Ang sabi sa kanya ni Kris, ‘I don’t like you! I’m mad at you!’


"Tanong ni Toni, ‘Ay, bakit po, Ms. Kris?’ ‘Last night, napanaginipan ko na you got all my shows here in ABS-CBN.’


“Isipin mo, panaginip pa lang ‘yun, inisnab na siya?” kuwento ni ‘Nay Cristy na ikinagulat nina Romel at Morly.


“Ano'ng reaksiyon ni ano (Toni)?” tanong ni Morly.


“Natural (nagulat), alam mo naman si Toni Gonzaga, napaka-naïve niya sa mga ganyan, 'di ba?


Nagulat siya. Napanaginipan kasi ni Kris Aquino, lahat ng shows niya, (ang) nag-take over si Toni Gonzaga, pero naganap!


“Ang dami-daming shows ni Toni, pinagkatiwalaan siya ng network, sumikat nang todo si Toni Gonzaga,” sagot ni ‘Nay Cristy.


Nangyari nga ang lahat nang mawala si Kris sa ABS-CBN dahil hindi sila nagkasundo ng pamunuan ng network tungkol sa kontrata niya.


Pero ngayon ay wala na rin si Toni G. sa Kapamilya Network at nasa ALLTV na at siya naman ang reyna roon, base na rin sa tsikahan nina nanay Cristy, Romel at Morly.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page