top of page
Search
BULGAR

Pampribadong sektor, suportado ang dalawang linggong ‘lockdown’ para maisalba ang ating buhay at

pangkabuhayan


ni Fely Ng - @Bulgarific | July 30, 2021



Hello, Bulgarians! Kasunod ng mga naiulat na nagpositibo sa Delta variant sa bansa, sinang-ayunan ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo Founder Joey Concepcion, kasunod ng talakayan sa pampribadong sektor, ang panukalang magpatupad muli ang pamahalaan ng dalawang linggong lockdown upang mapigilan ang pagkalat ng Delta variant.


“We have to protect the lives of the most vulnerable ones most especially our unvaccinated kababayans and continue the aggressive vaccination rollouts while addressing the problem of Delta,” saad ni Concepcion.


Binigyang-diin ni Concepcion ang kahalagahan ng 4th quarter o huling bahagi ng taong kasalukuyang para sa ating mga negosyante.


“It is the most important quarter of the year. This is where consumers spend Christmas. Election spending will also come. Most businesses who lost their income from the previous months will be able to recover,” dagdag nito.


Ang panukalang ito ay magsisilbing kahalili ng suhestiyon ng OCTA research upang magkaroon ng ‘Circuit Breaker Hard Lockdown’ ng dalawang linggo, dahil kung darami pa ang kaso ng mga nagpositibo sa Delta variant, maihahalintulad sa malaking pagsabog ang pagkalat nito.


Ayon sa OCTA research, ang kanilang inaasahan na pagdami ng kaso ng Delta variant batay sa nangyari sa ating karatig-bansa sa ASEAN ay nagpapakitang maaapektuhan ng pagdami ng mga kaso ang ating healthcare system sa NCR, bandang kalagitnaan ng Agosto at maaaring mapuno ang mga ospital sa buwang ito.


“No ASEAN countries have reversed the surge without locking down major cities. The longer we wait, the harder we can reverse the surge.”


Nagpahayag naman si Concepcion ng suporta kung ipatutupad ng ating pamahalaan ang dalawang linggong lockdown tulad ng nangyari noong Marso nitong taon. “We prefer that we solve the problem early and not wait for the problem to get bigger, because then we will have a lockdown for months. That is the most catastrophic thing in our country if that happens in the 4th quarter,” dagdag pa nito.


Giit ni Concepcion: “If we have to do it, let us do it. Let us prepare for it. We have to be decisive. We have to move quickly.”

 

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page