ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 9, 2021
Sisimulan na ang pamamahagi ng cash assistance sa mga low-income households sa National Capital Region (NCR) na lubos na naapektuhan ng ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa Agosto 11, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ani DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya sa isang panayam, napagkasunduan umano ng mga Metro Manila mayors ang distribusyon ng financial aid sa nasabing petsa.
Aniya, “Nag-meeting po kami ng mga mayors the other night para nga paplantsahin 'yung ating proseso ng pamimigay ng ayuda at nagkasundo po sila na sabay-sabay silang magsisimula sa Miyerkules.”
Samantala, ayon kay Malaya, tinatayang aabot sa 11 million residente ng NCR ang makatatanggap ng cash assistance at P1,000 kada tao o aabot sa maximum na P4,000 kada bahay ang ipamimigay.
Comments